Lower Cholesterol And Remove BellFat By Taking This 3 Tablespoon Once A Day

Pinoy ay napakahilig kumain. Paborito natin ang mga handaan at piyesta kung saan tayo makapagluluto ng mga pagkain na pwede rin nating ib


Tayong mga Pinoy ay napakahilig kumain. Paborito natin ang mga handaan at piyesta kung saan tayo makapagluluto ng mga pagkain na pwede rin nating ibahagi at ipakain sa ating pamilya at mga kaibigan. Kapag handaan ay talagang“all out” ang pagluluto ni Nanay upang matugunan ang mga hinahanap hanap ng ating tiyan. Sa totoo lang ay kahit wala namang handaan ay magana talagang kumain ang mga Pinoy. Aminin man natin o hindi  gustong gusto natin ang mga kainan na “eag all you can” o kaya naman ay “unli rice”. Wala namang masama sa ating ginagawa lalo pa kung galing tayo sa nakakapagod na trabaho at talagang tayo ay gutom na.

Ngunit kailan nagiging masama ang sobrang pagkain? Iyo ay kung hindi naman masusustansya ang paulit ulit nating kinakain gaya na lamang ng mga junkfoods, fast food, o kaya mga pagkain na masyadong mataas sa sodium, maging sa cholesterol. Masama ito dahil nalalagay sa panganib ang ating buhay at kalusugan. Ang pagkakaroon ng unhealthy diet ay may kaakibat na napakaraming sakit na hindi malayong ating sapitin kung tayo ay hindi maghihinay hinay sa pagkain. Maaaring maapektohan ang ating atay, bato, maging ang ating puso, lalo na kung sobra sobra ka na sa konsumo ng mga pagkaing mataas sa cholesterol.

Ang cholestero ay isang waxy, fat-like substance na nangyayari sa atin. Kung tutuusin ay hindi naman talaga masama ang cholesterol para sa ating katawan. Sa katunayan nga ay kailangan pa natin ito upang gumana ng maayos ang ating mga body functions. Subalit, gaano man kabuti ang naidudulot ng isang bagay sayo, maaari pa rin itong makasama lalo na kung sosobrahan mo ito. Halimbawa na lamang sa cholesterol. Kailangan man ito ng ating katawan ay dapat parin nating kontrolin ang konsumo nito dahil kung hindi ay posible tayong magkasakit sa puso.

Mayroong dalawang uri ng chokesterol na tinatawag na HDL o “high-density lipoproteins” at LDL o “low-density lipoproteins”. Ang HDL ay tinatawag ding “good cholesterol” dahil tinitipon at saka nito dinadala ang mga cholesterol sa buong katawan papunta sa ating atay o liver. Pagkatapos, ang liver naman ang siyang nag-aalis nito sa ating katawan. Sa kabilang banda, ang LDL naman ay tinatawag na “bad cholesterol” kaya ito ang dapat nating iwasan. Binansagan ito sa tawag na iyon dahil hindi ito nailalabas ng madali sa katawan at karaniwan ay naiipon lamang at bumabara sa ating mga ugat o blood vessel. Sa oras na may bumara sa ating mga ugat ay umpisa na ito ng maraming komplikasyon sa puso. Kapag barado o manipis ang mga ugat ay hindi makakadaan ng maayos ang ating dugo at kapag nabgyari ito ay mas mapapagod ang ating puso sa pag-pump ng dugo  ito ang nagiging sanhi ng pagtaas ng blood pressure ng isa tao at kung siya ay may hyperyension, hindi malayong mauwi pa ito sa stroke o ibs pang mas malalang sakit sa puso.

Mayroong iba’t ibang factor kung bakit tumataas ang cholesterol level ng isang tao. Isa na dyan ang sobra sobrang pagkonsumo ng mga pagkaing mataas dito. Posible rin na ang dahilan ay genetics at naman mo pa ito mula sa iyong mga magulang o iba pang kamag-anak. Ang pagtanda ay isa rin sa mga sanhi nito, maging ang pagkakaroon ng hindi aktibong lifestyle. Ang mga factors na ito ay maaaring kaya mong kontrolin at maaari ring hindi. Ang bottomline, minsan talaga’y hindi ito maiiwasan kahit anong pilit natin. Kaya naman, sa sulating ito ay tuturuan namin kayo kung paano niyo magagamot ang pagkakaroon ng mataas na level ng LDL o bad cholesterol. Kapag nabantayan mo ito ay makasisiguro ka na mas ligtas ka sa sa ibang mga karamdaman.

Sa pagkakataong ito ay itatampok namin ang isang herbal medicine na marahil ay kilala nating lahat. Sa sarap na naibibigay nito sa mga lutuin, at sa kaniyang mga benepisyong medikal, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa bawang? Baka nga mayroon pa kayong munting taniman nito sa inyong likod bahay o hardin. Totoo at napakahusay talaga ng bawang pagdating sa benepisyong medikal. Kung mayroon pang hindi nakakaalam nito, hayaan niyo at ipapaliwanag ko. Ang bawang lang naman ay kayang palakasin ang immune system ng isang tao kaya mas nalalayo tayo sa mga sakkt. Nalilinis din nito ang ating dugo at napoprotektahan tayo kahit sa pinaka nakamamatah na sakit tulad ng cancer.

Ngayon ay gagamitin natin ang bawang upang pababain ang level ng ating cholesterol at protektahan tayo sa iba’t ibang karamdaman sa puso. Pero bago iyan, maghanda ka muna ng labindalawang (12) cloves ng bawang o garlic at kalahating litro ng red wine para sa ating “Garlic Portion Drink Recipe”. Ang bawang ay murang mura lang ngunit medyo may kamahalan ang red wine. Pero kung susundin mo naman ito ay tiyak na hindi ka magsisisi.

Kailangan natin ang red wine sa recipe na ito dahil mayaman ito sa anti-inflammatory at antioxidant content na makakatulong din lara sa ating layunin. Dahil sa mga ito ay kaya ng red wine na pigilan ang pagkakaroon ng mga bara at blood clots sa ating mga ugat na siyang nagiging sanhi ng sakit sa puso. Bukod pa dito, ang antioxidant ng red wine ay kaya ring itigil ng red wine ang pagbuo at formation ng mga cancer cells at tuluyan silang sirain uoang hindi na tuluyang ma-develop pa.

Kung handa ka na ay atin nang simulan ang paggawa ng “Garlic Portion Drink Recipe”. Una ay pagpira-pirasuhin ang labindalawang garlic cloves sa isang container o jar at pagkatapos ay saka ibuhos dito ang kalahating litro ng red wine. Sa loob ng dalawang linggo ay panatilihin mo lamang ito sa ganoong kalagayan ngunit siguraduhin na bawat araw ay i-shake mo ito. Paglipas ng dalawang linggo ay ilipat mo ang pinaghalong bawang at red wine sa isang bote upang mas madali para sa iyo na oto ay inumin. Ang pag-inom nito ay dapat tatlong kutsara lamang bawat araw, at gawin mo ito ng araw araw sa loob ng isang buwan.

Kung iyong susunduin ang aming iminungkahe na pag-inom ng “Garlic Portion Drink Recipe” araw araw sa loob ng isang buwan ay siguradonv bubuti ang iyong pakiramdam dahil mare-regulage na ang lebel ng cholesterol sa iyong katawan. Bukod pa diyan ay mapapabilis mo paang iyong megabolism kaya posible kang magbawas ng timbang sa mabuting paraan, ikaw ay mas sisigla dahil sa enerhiyang kayang ibigay nito, at magpapatibay din sa iyong lakas at stamina.

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Lower Cholesterol And Remove BellFat By Taking This 3 Tablespoon Once A Day
Lower Cholesterol And Remove BellFat By Taking This 3 Tablespoon Once A Day
Pinoy ay napakahilig kumain. Paborito natin ang mga handaan at piyesta kung saan tayo makapagluluto ng mga pagkain na pwede rin nating ib
https://2.bp.blogspot.com/-JVhooaW5ig0/WscnvgyIYGI/AAAAAAAAB00/pmBJ6w-xvdsJk2hJ9s5gJ_rJOQqV2MM8QCLcBGAs/s640/Screenshot%2B%2528341%2529.png
https://2.bp.blogspot.com/-JVhooaW5ig0/WscnvgyIYGI/AAAAAAAAB00/pmBJ6w-xvdsJk2hJ9s5gJ_rJOQqV2MM8QCLcBGAs/s72-c/Screenshot%2B%2528341%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2019/11/lower-cholesterol-and-remove-bellfat-by.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2019/11/lower-cholesterol-and-remove-bellfat-by.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy