Photo by wikiHow A ng magandang pagtulog sa gabi ay mahalaga sa ating pisikal at emosyonal na kalusugan. Kaya huwag dapat maliitin ang impo...
Photo by wikiHow
Ang magandang pagtulog sa gabi ay mahalaga sa ating pisikal at emosyonal na kalusugan. Kaya huwag dapat maliitin ang importansya nito at ugalihing ang regular na tamang oras ng tulog.
Narito ang mga ilang magandang benepisyo ng tama at magandang pagtulog sa gabi.
- Nakakatulong na mabawasan ang stress. Kung ang iyong katawan ay hindi nakakakuha ng sapat na pagtulog, maari itong gumawa ng mataas na antas ng mga stress hormones. Ang malalim at regular na pagtulog ay makakatulong upang maiwasan ito.
- Maaaring mapabuti ang iyong memory. Hindi mo ba pansin na pag ikaw ay pagod mas mahirap mong matandaan ang mga bagay? Kaya ang pagkuha ng mas kalidad na pagtulog ay makakatulong sa iyo na matandaan at maproseso ang mga bagay na mas mahusay.
- Maaring magpababa ng presyon sa dugo. Ang mas mataas na presyon ng dugo ay nagdaragdag ng iyong pagkakataon na atake sa puso at stroke, ngunit ang sapat at magandang pagtulog ay makakatulong upang maging kalmado ang daloy ng ating dugo.
- Tumutulong sa iyong katawan upang labanan ang sakit. Habang natutulog ka ang iyong katawan ay gumagawa ng labis na protein molecules upang palakasin ang iyong kakayahang labanan ang impeksyon.
- Makakatulong sayo na mapanatili ang iyong timbang. Sa kasamaang palad, hindi ito direktang nakakabawas ng timbang, ngunit makakatulong ito upang mapangalagaan mo ang iyong timbang. Sa pamamagitan ng pag-regulate ng hormone na nakakaapekto sa iyong gana, habang ikaw ay natutulog.
- Nakakapag bigay ng magandang mood. Ang kakulangan ng pagtulog ay mas mabilis tayong makaramdam ng pagod, kayat mas iritable tayo o mabilis magalit. Pag may mahusay kang tulog mas may kakayanan kang manatiling kalmado at makatwiran.
- Maaring mabawahan ang pagkakataong magkadiabetes. Sa ilang pag-aaral ipinakita na ang hindi pagkuha ng sapat na pagtulog ay maaaring humantong sa type 2 diabetes sa pamamagitan ng pag-apekto kung paano pinoproseso ng glucose ang iyong katawan.
Ilan lamang ang mga ito sa mga benepisyong pwedeng maibigay ng magandang pagtulog, kaya ugalihin ang regular at sapat na pagtulog sa gabi.
Photo by Eat Healthy Stay Fit
COMMENTS