Lagi natin linisin ang ating paligid, laging magwalis sa loob o sa labas ng bahay, alisin ang mga naipong tubig sa timba
Narito ang mga TIPS kung paano ito maiiwasan
1. Lagi natin linisin ang ating paligid, laging magwalis sa loob o sa labas ng bahay, alisin ang mga naipong tubig sa timba, vase, bote, lumang gulong etc, dahil ang lamok ang nagtatago sa midilim na mga sulok.
2. Puksain ang mga lamok, pwede tayong mag-spray ng insecticide sa ating bahay, pero siguraduhin mo lang na walang tao sa inyong bahay. Pagkatapos mo mag-spray sa loob ng bahay nyo, patagalin ito ng dalawang oras.
Tandaan: Huwag mag-spray sa kusina, dahil ang insecticide ay nakakalason, baka ang inyong pagkain ay magkaroon ng lason.
3. Magsuot ng pang protekta sa ating sarili, magsuot ng long sleeves o long pants, pajama. Pwede rin tayo magpahid ng lotion na panlaban sa lamok, katuld ng OFF lotion. Maglagay din tayo ng screen sa ating bintana at pintuan. Kapag matutulog, gumamit tayo ng kulambo.
4. Palakasin natin ang ating katawan, lagi tayong mag-ehersisyo, kumain ng masustansiyang pagkain at magpahinga ng sapat.
5. Kung meron tayong nararamdaman, katulad ng pananakit ng tiyan, panghihina, pagsusuka, pagdurugo ng bibig, ilong, dumi at bumababa ang platelet count, agad magpatingin sa doktor.
Kung may lagnat, bigyan ng paracetamol at painumin ng maraming tubig.
If you would like to ask about this article, please do not hesitate to comment below and we will answer your question right away.
Many thanks and please go back again to this blog to read the new articles or reviews we will write on the list.
COMMENTS