Sintomas ng Stress at pano ito maiiwasan.

Photo by  Cedars-Sinai B awat isa satin nakaranas na ng stress. Sa dami ng pang araw araw nating gawain minsan hindi na natin ito napapansin...

Photo by Cedars-Sinai

Bawat isa satin nakaranas na ng stress. Sa dami ng pang araw araw nating gawain minsan hindi na natin ito napapansin. Kalimitan mas nararamdaman natin ang stress sa pag dinidisiplina ng ating mga anak, pag dating sa usapang pinansyal, sa trabaho o sa isang hindi maayos na relasyon. Ang sobrang stress ay hindi nakakabuti sa pangangatawan at pwedeng maging sanhi ng mga sakit pisikal o sikolohikal.

Narito ang mga simtomas para malaman kong tayo o ang isang tao ay stress.

Sikolohikal:
  • Kakulangan sa konsentrasyon o gumawa ng mga simpleng desisyon
  • Pagka malilimutin
  • Madaling ma-distract
  • Hindi madaling makaunawa at hindi malikhain
  • Pagka maalalahanin
  • Negatibong pag-iisip
  • Depresyon at pagkabalisa
Emosyonal:
  • Iyakin
  • Iritable 
  • Pabago bago ng mood
  • Sobrang sensitibo
  • Defensive
  • Kawalan ng motibasyon
  • Laging galit
  • Kawalan ng tiwala sa iba at tiwala sa sarili
Pisikal:
  • Sakit ng pangangatawan
  • Madalas na pagkakasipon at impeksyon
  • Pagkakaron ng alerhiya, rashes o pangangati sa balat
  • Nahihirapang dumumi o pagtatae
  • Pagtaas o pagbaba ng timbang
  • Pagkahilo
  • Panic attack
  • Pagsusuka
  • Pagbabago ng regla, walan ng gana sa pagtatalik
  • Pag taas ng presyon ng dugo

Ang mga sintomas na nakakaapekto satin ay kadalasang naiipon hanggat hindi natin ito napapansin. Kong hindi tayo sigurado at may nararamdamang kakaiba mabuting kumunsulta sa mga eksperto.

Pano maiiwasan ang ang stress.
  • Manatiling positibo: Magpokus sa mga magagandang bagay tungkol sa sarili at kapaligiran.
  • Pahintulutan ang sariling malungkot paminsan-minsan: Bigyan ang sarili ng sapat na panahon na magdamlamhati sa kawalan at unti-unting mag-adjust para malampasan ito.
  • Dumalaw sa isang matalik na kaibigan o kamag-anak: Ilabas ang mga saloobin sa isang taong handang makinig sayo.
  • Magmuni-muni o meditation: Ang yoga, arte at pagtugtog ng musika ay nakakapang-relax.
  • Tumawa nang madalas at libangin ang sarili: Ika nga nila, “laughter is the best medicine.” 
  • Matutong humindi o umayaw: Alamin ang sariling limitasyon.
  • Gumawa ng schedule: Planohin ang mga gagawin sa pang araw araw.
  • Iwasan ang mga taong negatibo: Sumama sa mga taong makakatulong at makakapag pagaan ng iyong kalooban.
  • Matutong magpatawad: Sa pagpapatawad ng ibang tao at ng sarili, mababawasan ang iyong negative energy.
  • Mag-ehersisyo: Ang pisikal na pag-eehersisyo at paglanghap ng sariwang hangin ay nagbibigay ginhawa, nagpapanatili ng magandang pangangatawan, nagpapabuo ng kumpiyansa at tumutulong sa pagpapahalaga ng sarili.
  • Kumain ng tama at umiwas sa bisyo: Ang malusog na pangangatawan ay malaking tulong upang malabanan ang stress.
  • Tamang tulog: Ang pagkakaron ng tamang tulog ay mapapanatiling aktibo ang pangangatawan at maiiwasan ang pakakaron ng sakit.
Photo by Psych Central

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Sintomas ng Stress at pano ito maiiwasan.
Sintomas ng Stress at pano ito maiiwasan.
https://1.bp.blogspot.com/-YBgwr0vKulo/Xd7XXc9xy5I/AAAAAAAAAXk/Rm-q1OFQP4Qg7cdDx_RwiArOgA4_-m5vQCNcBGAsYHQ/s1600/1563921963551.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-YBgwr0vKulo/Xd7XXc9xy5I/AAAAAAAAAXk/Rm-q1OFQP4Qg7cdDx_RwiArOgA4_-m5vQCNcBGAsYHQ/s72-c/1563921963551.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2019/11/sintomas-ng-stress-at-pano-ito-maiiwasan.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2019/11/sintomas-ng-stress-at-pano-ito-maiiwasan.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy