Binibining Pilipinas Charities Inc at Araneta Group hindi na kasama sa Miss Universe franchise.
Sa naturang post, nakasaad dito na mayroon ng bagong mamamahala sa pagpili ng representative ng bansa sa nasabing pageant. At ang bagong National Director mg Miss Universe Philippines ay walang iba kungdi ang Miss Universe 2011 3rd Runner Up Shamcey Supsup.
Matapos ang nasabing pahayag, naglabas na ng Official Statement ang BPCI na pinamumunuan ni Stella Marquez De Araneta, ayon sa sulat hindi na ni-renew ng Miss Universe Organization ang lisensya nito sa BPCI upang sila ang maghandle ng Miss Universe brand.
Kung ating babalikan, noong naiuwi ni Catriona Gray ang Miss Universe crown usap-usapan na ang pagkakawala ng nasabing lisensya ng Miss Universe sa BPCI. At dahil dito, naging totoo ang haka-haka ng ibang tao na wala na talagang tyansang maibalik pa ang Miss Universe license sa Binibining Pilipinas.
Kasama ni Shamcey Supsup na iha-handle ang Miss Universe Philippines Organization sina Albert Andrada (Designer) at Jonas Gaffud (Creative Director) upang mabigyang pansin at makilala ulit ang taglay na ganda ng isang Filipina.
Nakakalungkot mang isipin pero ganun talaga ang buhay at business. Nagpapasalamat naman ang bagong namumuno ng Miss Universe Philippines Organization sa 55 taong pagaalaga ng BPCI sa brand ng Miss Universe.
Sa darating na 2020, ating hintayin ang pasabog na ulat mula sa bagong Miss Universe Philippines Organization at kung sino sino ang maaring sumabak muli sa International Stage.
Narito ang announcement ng Miss Universe Philippines:
COMMENTS