Nagviral ang kanilang kasal nitong July 2019 dahil imbes na bulaklak ang gamitin nila, ay gumamit sila ng mga gulay.
Photo by Claver and Fleann Molot
Isang magkasintahan ang kamakailan lang ay ikinasal sa La Trinidad, Benguet. Sila ay sina Claver at Fleann Molot. Nagviral ang kanilang kasal nitong July 2019 dahil imbes na bulaklak ang gamitin nila, ay gumamit sila ng mga gulay.
Photo by Claver and Fleann Molot
Ang kasalan ay ginanap sa isang simbahan sa La Trinidad, Benguet. Pinuno nila ang altar ng simabahan ng repolyo, cauliflower, at broccoli. Ayon din sa mag asawa, ito daw ay idea ng kanilang tiyahin. Natuwa naman daw sila sa ideayang ito dahil sa ito ay kakaiba.
Photo by Claver and Fleann Molot
Nag viral ang kanilang mga larawan sa social media. Maraming mga netizen ang nagpahatid ng kanilang pagka mangha sa ginawa ng magasawa. Pagkatapos kasi ng kasal, walang nasayang sa mgag gulay dahil sa ito ay ibinigay sa lahat ng dumalo. Marami sa kanilang mga kamag anak ang nakisaya at nabigyan ng gulay.
Hindi kailanman magiging batayan ang estado sa buhay para maging masaya. Naka depende parin sa atin at kung paano natin titignan ang mga bagay. Tulad ng bagong kasal na Claver at Fleann Molot, Hindi importante kung naging magarbo ang kanilang kasal. Ang importante ay nagmamahalan silang dalawa at naging saksi ang kanilang mga mahal sa buhay sa kanilang pinaka espesyal na araw.
Photo by Claver and Fleann Molot
COMMENTS