Sa di inaasahang pagkakataon, at sa milyon-milyong tumatangkilik sa lotto bibihira lang ang nakaka-swerte na makasungkit ng limpak limpak...
Sa di inaasahang pagkakataon, at sa milyon-milyong tumatangkilik sa lotto bibihira lang ang nakaka-swerte na makasungkit ng limpak limpak na premyong ito. Subalit iba ang naging kapalaran ng isang Pilipinong nanalo sa lotto. Hindi tulad ng iba na tinatamasa ang kaligayahan sa napanalunang premyo, sya namang ikinalungkot nito dahil sa pagkaka-goyo sa kanya ng kanya mismong, kamag-anak. Naranasang mamuhay ng tahimik at simple, at nangasam ng karangyaan pero subalit hindi ito nagtagal dahil sa mga matatamis na salitang natanasa nila sa kanila mga kamag-anak. Nabentahan ng pekeng titulo ng lupa at ang lahat ng ari-arian ay nabalewala at napunta lahat sa poder ng kanilang kamag-anak. Masakit man ang nangyari pero kailangan mamuhay ulit ng payapa at simple. Ipinapasa-dyos na lamang nila ang nangyari at ang mga nagawang kasalanan ng kanilang mga kamag-anak. Sabi nga nila, marunong tayong lumingon sa ating pinaggalingan at yan mismo ang kanilang ginawa- namuhay ng payapa at namuhay ng tulad ng ibang tao na kahit walang karangyaan ay maayos pa rin namumuhay at may sapat na panghanap-buhay.
Source: GMA Network Youtube Channel
COMMENTS