Muli na namang pinakita ni Angel Locsin ang kanyang kabutihang loob, sa pamamagitan ng pagtulong sa kaibigang si Dimples Romana.
Photo by Kami.com.ph
Matatandaang noong silang linggo sa interview ni Dimples Romana sa Tonight with Boy Abonda naging imosyonal ito nong mapagusapan ang tungkol kay Boyet Ahmee, ang kanyang asawa. Na kwento nito ang pinagdaanan nila sa operasyon niya at ang pag takbo nila sa hospital dahil sa pag suka nito ng dugo.
Naging maayos naman ang kalagayan ni Boyet pero hindi dito nagtatapos ang kanyang pag rerecover at nito lamang Linggo, ibinahagi ni Dimples sa kanyang Instagram post na muli na naman nilang tinakbo ang asawa sa hospital dahil sa muling pagsuka nito ng dugo. Kasalukuyang nasa taping ng seryeng “Kadinang Ganto” si Dimples ng nakatanggap siya ng text galing sa panganay niyang anak na si Callie. Nag text sakanya ang anak upang abisuhan siya na kailangan nilang dalhin si Boyet sa hospital dahil dumudura na naman ito ng dugo.
Pinayagan naman na makaalis si Dimples sa taping dahil pinapahalagaan muna nila ang pamilya bago ang trabaho ngunit nag desisyon ang aktres na taposin muna ang mga ilang eksena bago magtungo sa hospital. Ng papasalamat naman siya sa kanyang kapatid na si Bam at pamilya nito, na siyang umalalay sa kanyang asawa papuntang hospital. "After that tough time we had a week ago, we were all nervous to go through it again. Told my bosses in 'KG' right away and they were all very gracious and concerned and told me naman to leave if I really have to dahil para sa aming lahat, family first. But I decided to stay and finish the last few scenes and called my brother to take my husband to the hospital instead," kuwento ni Dimples. Nagpasalamat din si Dimples sa kanyang malapit na kaibigang si Angel Locsin na laging naka suporta sa kanyang pamilya at handa silang tulongan lagi. "And sa aming Darna, nilipad mo ang The Medical City. Salamat sa pagmamahal na maasahan forever. Balita ko, minamasahe mo pa feet ni Boyet, I can just imagine 'yung hiya niya. Salamat sa pagsama sa akin, sa paghila sa akin sa mga pgkakataon nanghihina ako, sa pagsama sa pamilya ko habang hindi pa ako makarating, sa pagasikaso sa lahat habang bagsak ako from taping, sa pagpilit sa aking kumain, sa pakikipaglaro kay Alonzo habang may inaasikaso ako, sa lahat ng suportang walang pagaalinlangan at pagaatubili, salamat. Mahal na mahal ka namin," ani Dimples. Kahanga-hanga talaga ang kabaitan ni Angel. Lagi siyang naasahan ng mga taong malalapit sa kanya at pati na rin mga taong walang koneksyon sa kanya. Likas siyang matulungin sa kapwa at bukal ang loob sa pagtulong sa mga nangangailangan. Sobra din nag papasalamat si Dimples sa mga ng darasal para sa mabilis na pag galing ng kanyang mister. "He’s now stable and on his way to recovery. Again, thank you all for your prayers. Akala ata ng mga pagsubok na ito, kaya nila ako! Huy, pagsubok, wala ka sa Panginoon ko! We got this," ani Dimples.
Source by ABS-CBN
COMMENTS