Hindi biro ang trabaho ng isang security guard. 12 oras ang shift ng trabaho habang ikaw ay nakatayo.
Sa post ni Rose Leah Nierva, nilapitan daw ng isang lalaking my sakit na celebral palsy ang noo'y on duty na si Wilson Maloma isang security guard. Nanginginig ang mga kamay at ibang parte ng katawan ng lalaki kaya naman nakiusap ito kay Wilson kung puwede siyang tulungang kumain.
Screencap from Facebook
Agad-agad namang inihanda ni Wilson ang pagkain ng lalaki at sinubuan ito. Matiyagang pinakain ni Wilson ang lalaki habang tila binibiro pa niya ito at sila ay nagtatawanan. Hindi nakunan ng video ang buong pangyayari ngunit makikita dito na masaya ang lalaki habang siya ay kumakain.
Maraming mga netizen ang nagbigay ng kanilang nakakatuwang kumento:
Roniel Etretud "Verygood kaibigan simpleng bagay pero nakakatouch"
Cresairon Rafael "Ok ka bhade sana marami kpa matulongan Godbless po saludo ako sayo"
Nancy Lescano "mga ganyang guard dpat bigyan ng karangalan pra tularan."
COMMENTS