Kamakailan lamang, isang netizen ang nagbahagi ng isang litrato kung saan kita umano ang kasalukuyang estado sa buhay ng nasabing Aktor.
Source: www.howtocare.net
Marami sa atin bata pa lamang ay may pangarap na sa buhay.. Kadalasan ang tinatahak nating landas ay kung ano ang ating hilig o kung ano ang magpapasaya sa atin. Ngunit hindi rin lingid sa kaalaman ng nakararami na ang iba ay gustong tahakin ang larangan ng pag aartista. Kadalasan pa dito ay nagsisimula silang mangarap sa murang edad.
Ang pag aartista ay isang trabahong ninanais ng marami. Ngunit kung ating iisiping mabuti ang trabahong ito ay hindi permanente. Marami sa kanila ay namamayagpag hanggang ngayon sa Industriya at hindi rin maitatangging ang iba naman ay laos na o sadyang iniwan ang kasikatan para magkaroon ng pribadong buhay.
Nakakalungkot lamang na isa sa nakaranas ng hirap pagkatapos ng kasikatan ay ang dating batang aktor na si Herminio Alano o mas kilala sa bansag na " Boy Alano". Si Panchito Alba at si Rene Requiestas ang ilan lamang sa mga personalidad na katrabaho ni Alano noong kasagsagan pa ng kanyang kasikatan.
Source: www.howtocare.net
Ayon sa Netizen, gusto lamang daw niyang magbigay ng impormasyon tungkol sa estado ng aktor para makahikayat ng mga tao na gustong tumulong at makatawag ng atensyon sa mga dating katrabaho nito sa industriya ng showbiz.
Dahil sa mahusay na pagganap ni Alano sa pelikulang "The Day of The Trumpet" ginawaran si Alano ng Best Child Actor sa 5th Asian Film Fest noong 1958.
Source: www.howtocare.net
Dahil sa post ng nasabing Netizen, umani ito ng ibang ibang commento sa ibang netizen.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananatili ang ilaw at kasikatan ng isang artista. Nais lamang iparating nito na wag tayong magpokus sa iisang layunin lamang. Tulad ng habang ikaw ay artista matuto kang mag negosyo, o di kaya'y magtapos sa pag-aaral nang sa gayon ay mawala man ang kinang ng iyong pagiging artista ay meron ka paring babalikan na maayos at marangal na buhay.
Source: www.howtocare.net
COMMENTS