Tatlong lalaki sa buhay ni Kylie Padilla
Pinakita ni Kylie Padilla sakanyang instagram account ang litrato ng tatlong pinaka importanteng lalaki sa buhay niya. Ang kanyang asawa na si Aljur Abrenica, ang kanilang dalawang taong gulang na anak na si Alas Joaquin at si Baby Axl Romeo.
Nag post si Kylie noong December 26, ng picture ng kanyang mag ama na my caption "My reason for recovery"
Photo credit to Kylie Padilla Instagram
Ipinanganak ang kanilang unang anak na si Alas Joaquin noong August 4, 2017 at si Baby Axl Romeo naman nito lamang December 9, 2019, 9:53 ng umaga.
Sa araw ng kapanganakan ni Baby Axl Romeo, ibinahagi ni Kylie ang larawan ng kanyang daliri habang hawak ito ni Baby Axl.
Nanganak din ang kanyang step mom na si Mariel Padilla noong November 15, 2019 sa isang hospital sa Delaware USA. Normal ang naging delivery ni Mariel sakanilang anak ni Robin.
Photo credit to Kylie Padilla Instagram
COMMENTS