Tunay na Gwapo may pagkukusa upang makatulong sa magulang. Kilalanin natin ang Poging Tindero ng Baboy sa Pasig Palengke.
source:PUSH
Si Albert Bordeos ay isang bench player ng University of Santo Tomas. Nagulat ang Univesity of Santo Tomas HRM student at player ng UST Growling Tigers Albert Bordeos nang biglang mag-viral ang kanyang mga photos habang natitinda siya ng karne sa palengke ng Pasig.
Ayon Kay Albert hindi na bago sa kanya ang pagtitinda ng karne sa palengke dahil lagi naman siyang nagpupunta doon at tumutulong sa kanyang magulang kapag free time niya. Hindi niya ito ikinakahiya dahil ito ang pinagkakakitaan ng kanyang magulang upang masuportahan silang magkakapatid.
Dahil sa pag-viral ng litrato ni Albert ay naging positibo ang kinalabasan nito sa kanilang pamilya at negosyo kaya nagpapasalamat siya dito.
Ayon kay albert "Iyong araw po na iyon mismo, para po kaming naka-jackpot kasi naubos po iyong lahat ng baboy na tinda,"
"Tapos po pag open ko po ng social media noong umaga, nagulat na lang po ang dami po nagme-message saka ang daming nag ta-tag na hinahanap daw po ako ng mga tao."
Hindi naman maikakaila ang kagwapohan ni Albert Bordeos dahil manang mana pala ito sa kanyang ama sa kagwapohan kung mapapansin natin sa larawan nilang mag aama ay magkahawig na magkawig sila.
Ayon sa PUSH
May balak ba siyang pasukin ang modeling or showbiz?
“Kung may opportunity po puwede naman pong subukan. Pero po for now, naka-commit po ako sa UST. Mayroon pa po akong three playing years. Gusto ko po pagbutihan ang paglalaro para po makatulong sa team ko sa kahit anong paraan pong kakayanin ko. Kung may chance po sa showbiz pwede ko po siguro subukan din ang pag-acting po saka pag-modelling,” sagot ni Albert.".
COMMENTS