Sa pagbebenta ng Ice Drop, Isang Netizen ang nakapagpundar ng mga Paupahan, Tindahan, at Sasakyan.
Kaya naman Si Emmanuel Jagmis ay nagsumikap at nagporsige na maiahon sa hirap ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng paglalako ng Ice Drop na sarili niyang gawa.
source:thecampfirethoughts
Tatlong dekada nang gumagawa ng Homemade Ice drop at ibinebenta niya ito sa harap ng eskwelahan sa kanilang lugar. Siya ay naging maswerte dahil katapat niya mismo ang eskwelahan kung saan siya naglalako ng kanyang produkto. Tunay ngang isang napakalaking bibiya na maituturing ni Emmanuel ang pagkakaroon oportunidad na kagaya ng ganito.
source:thecampfirethoughts
Sa kanyang pagsusumikap, pagtitiyaga, pagtitiis at pagiging masipag ay nakapagpundar siya ng ibat ibang negosyo at natulongan niya ang kanyang mga magulang na mabigan ng magandang kinabukasan.Sa pabebenta ng Ice Pop nakapag patayo si Emmanuel ng kanyang sarling paupahan, computer shop, tindahan at naibili pa niya ng bagong sasakyan ang kanyang mga magulang.
Sobrang nagpapasalamat at proud sa kanyang sarili si Emmanuel sa kanyang natamong tagumpay at natatanggap na biyaya sa buhay. Ayon pa sa kanya, ang pag asenso sa buhay hindin nakabase sa laki ng sahod na natatanggap ng isang tao, kung hindi ito ay nakabase sa pagsisikap, pagtitiyaga at kung papaano ima-manage ang iyong pera.
source:thecampfirethoughts
Sa post ni Emmanuel sa kanyang facebook account ay kanyang ibinahagi kung papaano siya nakaahon sa buhay sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanyang sariling gawa na Ice Drop. Dahil nagbabakasakali siya na makapagbigay ng inspirasyon sa mga taong gustong maiahon ang kanilang pamilya sa kahirapan.source:thecampfirethoughts
COMMENTS