Sekyu na nagpanggap na Pulis, nambully ng Street Vendor
Source: Raffy Tulfo in Action
Sa Video, makikitang binubully ng sekyu ang dalawang street vendor at sinabihan pa niya itong babarilin siya.
Maririnig sa video na parang hinahamon niya ang dalawang vendor na tumawag ng pulis dahil pulis din daw siya. Hindi pa ito na kuntento at pinaghahagis ang panindang isaw ng vendor.
Panoorin ang video. Kinilala ang lalaki na si Rex Baltisoto.
Unang kumalat ang video nitong lunes lamang. Nalaman ng mga netizen na ang lalaki sa video ay hindi pala tunay na pulis at isa lamang security guard.
Hindi nakaligtas ang lalaki kay idol Raffy Tulfo. Maraming mga netizen and nag tag kay idol sa video upang mahanap at mapanagot ang lalaki.
Inaksyunan naman agad ni idol ang issue at ipinahanap ang lalaki sa video. Nais ni Idol na sana matanggalan ng lisensya ang sekyu dahil umano sa pinakita nitong kayabangan. Ayon naman sa SOSIA, gagawa sila ng investigation case para mapanagot ang lalaki.
Panoorin ang video ni Idol Raffy Tulfo:
Source: Raffy Tulfo in Action
COMMENTS