Ang dance craze na "Tala" ni Sarah G ang magiging tema ng flash mob for a cause na gaganapin
Credit to SarahGeronimoshots IG
Naging usap-usapan sa social media ang announcement ng event nitong hapon ng martes. Maraming mga netizen and nagibgay ng kanilang supporta sa event. Ayon sa post magkakaroon ng P100 na registration fee. Ang perang malilikom ay idodonate sa Philippine Red Cross. Pangungunahan ni Barrie Juanico ang event na siyang may ari ng Popsters facebook page.
Ayon kay Barrie Juanico, inaasahang aabot sa 300 katao ang participants ng flash mob na gaganapin sa Quirino Grandstand.
Dagdag pa ni Juanico, ipinaabot na rin daw nila sa team ni Sarah G ang event na kanilang gagawin para sa ating mga kababayan.
Umabot na sa 39,000 katao ang lumikas sa kanikanilang mga bahay dahil sa ashfall dulot ng pagsasbog ng bulkang Taal. Idinekrala na ng national government ang state of calamity sa buong lalawigan ng Batangas.
Source: Popsters Official
COMMENTS