"The Golden Buzzer Voice" Marcelito Pomoy Kinanta ang The Prayer with Dual Voices Sa America´s Got Talent: The Champion
Si Marcelito Pomoy ay maagang naulila sa kanyang mga magulang at nanirahan siya sa isang bahay amponan dahil noong pitong taong gulang pa lamang siya ay iniwan na siya ng kanyang ina at ang kanyang ama naman ay nasa kulongan. Naranasan din niyang manirahan sa kalye at kapag siya ay natatakot kumakanta siya upang kumalma ang kanyang pakiramdam.
Isang araw nakita niya ang programang Pilipinas Got Talent at hindi siya nagdalawang isip na sumali dito dahil umaasa siya na sa programang ito mahahanap niya ang kanyag pamilya. Naging daan nga ito kay Marcelito upang mahanap niya ang kanyang pamilya at nagkita kita sila at sa mismong grand finals ng patimpalak ay nandoon ang kanyang mga magulang sumusuporta sakanya. Ang araw na iyon ang napakasayang pangyayari sa buhay niya dahil nandoon ang kanyang pamilya.
Nabago ang buhay ni Marcelito noong nanalo siya sa Pilipinas Got Talent na dati siya ay namumuhay lang sa kalye at ngayon ay isa sa mga sikat na mang-aawit sa Pilipinas.
Ngayon ay lumalaban si Marcelito sa patimpalak na America´s Got Talent "The Champions", na sinusuportahan naman siya ng kanyang asawa. Ipinamalas na naman ni Marcelito ang galing ng Pinoy nang kantahin niya ang The Prayer with Dual Voice. Nasabi pa ni Howie Mandel "very unique talent" na isang hurado sa America´s Got Talent.
Panoorin natin ang buong pagtatanghal ni Marcelito Pomoy at suportahan natin siya sa kanyang pagsali sa America´s Got Talent at sa kanya na ding karera sa bilang mang-aawit. Talaga naman napakahusay ng ating kababayan.
COMMENTS