Unang pinay na isang F-16 Fighter Pilot ng Elite U.S. Air Force, Kilalanin!

Unang pinay na isang F-16 Fighter Pilot ng Elite U.S. Air Force, Kilalanin!

source:www.manilalivewire.com


Unang pinay na isang F-16 Fighter Pilot ng Elite U.S. Air Force, Kilalanin! Sa ating lipunang kinagagalawan, kadalasang nakararanas ng diskriminasyon sa kahit ano mang aspeto ay ang mga kababaihan. Lalong lalo na sa larangan kung saan ang mga mas Malaki ang porsyento ng mga kalalakihan.
source:www.manilalivewire.com

Tulad na lamang sa larangan ng Militar at kahit sa larangan ng pagiging Piloto. Ngunit, hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na may mangilan ngilan pa rin ang mga babae na gustong tumahak ng ganitong landas.

Isa na rito si Capt. Monessa Catuncan, isa syang dating residente ng Pasay at ng Olongapo City ngunit siya´y nagsumikap sa kanyang piniling larangan at ngayo’y isa ng matagumpay na Piloto. Ang kanyang buhay ay natampok sa Asian Journal sa kanyang angking galing bilang isang babaeng Pilotong nakapagpalipad sa F-16 Fighter Plane ng Amerika . Sinasabing ang eroplano na ito ay itinuturing na isang “State-of-the-art” aircraft ng Amerika.

Si Capt. Catuncan ang kauna-unahang babaeng nabigyan ng pagkakataon na makapagpalipad ng nasabing eroplano na mas kilala sa tawag na “Viper”, ayon sa “the most popular Lists”.
Sinasabing ang Viper ay ilang ulit na ginamit ng Bansang Amerika sa Air-combat at isa di umano ito sa pinakamalakas na eroplanong kanilang ginagamit sa tuwing may giyera sa bansa. Ang viper ay isa rin sa mga eroplanong mahirap ioperate kung kayat laking hanga nila kay Capt. Catuncan ng ito’y kanyang napalipad. Lahat ng pagsisikap ni Capt. Catuncan ay nauwi sa tagumpay. Bago pa man marating ni Capt. Catuncan ang kanyang tagumpay, dumaan din sya sa hirap at nagsikap para maabot ang pangarap. Nagtapos bilang isa Valedictorian si Capt. Catuncan noong sya ay High School pa lamang. Bago pa man sya makapagtapos, nakuha na niya ang atensyon ng Coast Guard at inimbitahan siya nito na maging helicopter pilot sa Connecticut noong 1999. Ngunit hindi malapit sa puso ni Capt. Catuncan ang pagpapalipad ng helicopter, mas pinili niya ang magpalipad ng eroplano. Kaya naman nag-enrol siya sa US Air Force Academy in Colorado Springs T kumuha ng kursong aeronautical engineering. Dahil sa kanyang pagsisikap , nakapagtapos si Capt. Catuncan bilang isang top student pilot ng kanyang klase. Sumunod na pumasok si Capt. Catuncan sa Moody Air Force, Laughlin Air Force Base at sa Sheppard Air Force Base kung saan niya natutunan ang lahat ng teorya at lalo pang gumaling sa napili niyang karera.
Ilang taon ang lumipas at nagbunga narin ang kanyang paghihirap naging isang ganap na piloto na si Capt. Catuncan F-16 Falcon. Nagtungo siya sa Luke Air Force Base sa Arizona para pag-aralan ang pagpapalipad sa F-16 or Viper, at dito nakapagtapos din sya ng may mataas na karangalan. Ang Higit na nakakabilib sa kanyang narating ay siya lamang ang kaisa isang babae at Isang Pilipino na nakapagtapos doon. Noong 2014 , naasign si Catuncan sa 34th Fighter Squadron bilang USAF 2nd Lieutenant at kalaunan ay napromote bilang isang Captain at naka-assign sa Utah’s Hill Air Force Base. Lahat ng hirap at pagsubok sa buhay kung ikaw ay may pangarap lahat ito ay iyong makakamit. Samahan lamang ito ng pagsisikap at Tiyaga tiyak na mararating mo ang iyong pangarap.

Mabuhay ka Capt. Monessa Catuncan!


COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Unang pinay na isang F-16 Fighter Pilot ng Elite U.S. Air Force, Kilalanin!
Unang pinay na isang F-16 Fighter Pilot ng Elite U.S. Air Force, Kilalanin!
Unang pinay na isang F-16 Fighter Pilot ng Elite U.S. Air Force, Kilalanin!
https://1.bp.blogspot.com/-DqAhoh4dm9U/XhVsOSD5yUI/AAAAAAAABDI/6YuufyD5c581hRAydQ9pk2Jk5BTDbyibQCNcBGAsYHQ/d/cab3a79d0a04473a5fc2597541d4a4f6--jet-fighter-pilot-f-.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-DqAhoh4dm9U/XhVsOSD5yUI/AAAAAAAABDI/6YuufyD5c581hRAydQ9pk2Jk5BTDbyibQCNcBGAsYHQ/s72-c-d/cab3a79d0a04473a5fc2597541d4a4f6--jet-fighter-pilot-f-.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/01/unang-pinay-na-isang-f-16-fighter-pilot.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/01/unang-pinay-na-isang-f-16-fighter-pilot.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy