Napakagandang Bata Na si Hanna nangungulila sa tunay niyang mga magulang.

photo courtesy to Hanna´s Facebook Account S i Hanna Sean San Gabriel, may edad na 17 anyos at honor student mula pa noong nursery siya...

photo courtesy to Hanna´s Facebook Account

Si Hanna Sean San Gabriel, may edad na 17 anyos at honor student mula pa noong nursery siya. Sumali siya sa Programang Wowowin sa GMA Network na Hino-Host Ni Mr. Willie Revillame. Napaka bibo at napakakwelang bata, habang kinakausap siya ni Kuya Wil. Nang Tanungin siya ni Kuya Wil kung nasaan ang kanyang mga magulang hindi siya nagdalawang isip na sabihin na siya ay ampon. Ayon pa kay Hanna, sa programa ni Kuya Wil niya unang sinabi na siya ay ampon lamang.

Proud na proud naman Si Hanna na pinakilala Si Isabel San Gabriel ang tumayong ina sa kanya, nagbihis, nagpakain, nag-alaga, nagpalaki ng maayos at nakasama sa loob ng 17 anyos. Ayon naman kay Isabel ay napakalaking bendisyon sa kanya niya na dumating si Hanna sa kanyang buhay.

Sumali si Hanna sa Wowowin baka ito na ang maging daan upang makilala niya ang kanyang mga tunay na magulang. Noong sangol pa lamang kasi siya ay pinaampon na siya ng kanyang mga tunay na magulang. Kaya naman kahit pangalan ng kanyang mga magulang ay hindi niya alam.

Iminungkahi ni Willie Revillame na ipalabas sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang kwento ng buhay ni Hanna. Dahil sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho ay matutulongan si Hanna na mahanap ang mga tunay niyang magulang.

Kaya naman noong Marso 19, 2018 ay pinalabas sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang kwento ng buhay ni Hanna. Dahil sa tulong ng programang ito ay natunton nila kung sino ang mga tunay na magulang ni Hanna.

Nakausap ng team ni Jessica ang tunay na Ina ni Hanna na Si Juby Reyes at kanyang mga kapatid ngunit ang kanyang ama ay pumanaw na. Ayon kay Juby nagawang ipaampon ang pang pito niyang anak na si Hanna dahil sa hirap ng buhay. Dahil paglalabada lang ang kanyang pinagkakakitaan simula noon hanggang sa ngayon. Kahit napakasakit sakanyan na ipaampon ang kanyang anak ay ginawa pa rin niya ito para magkaroon ng magandang buhay si Hanna.

Humihingi ng tawad si nanay Juby sa kanyang nagawa kay Hanna at hinihiling niya na mapatawad siya ng kanyang anak. Hiling pa ni nanay Juby na sana makita niya ang kanyang anak at mayakap.

Ang team ng Kapuso mo, Jessica Soho ay pinagtagpo ang mag ina at magkakapatid sa eskwelahan kung saan nag aaral si Hanna. Nang makita ni nanay Juby ang kanyang anak ay humingi siya agad ng tawad kay Hanna at bigla na silang nagyakapan.
photo courtesy to Hanna´s Facebook Account

Napakasakit man ito sa isang magulang na ipaampon ang anak, ngunit dahil sa kahirapan at hindi kayang bigyan ng magandang buhay ay nagagawa natin an mga bagay na ito. Para lamang magkaroon sila ng magandang buhay. Ngunit hindi na natin naiisip ang mararamdaman ng sanggol na pinaampon natin kapag siya ay nagkaroon na ng tamang pag iisip. Hahanapin parin nila ang pag aaruga ng tunay na magulang.

Panoorin natin ang buong kwento ng buhay ni Hanna Sean San Gabriel:

source: Wowowin and Kapuso Mo, Jessica Soho

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Napakagandang Bata Na si Hanna nangungulila sa tunay niyang mga magulang.
Napakagandang Bata Na si Hanna nangungulila sa tunay niyang mga magulang.
https://1.bp.blogspot.com/-pTkHxZ46LR4/XjYv0CV2jGI/AAAAAAAABfY/z5QRmiP2tYEQUhwTHEuwXS_ykfBG5VpVQCNcBGAsYHQ/s320/Untitled%2Bdesign%2B%252810%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-pTkHxZ46LR4/XjYv0CV2jGI/AAAAAAAABfY/z5QRmiP2tYEQUhwTHEuwXS_ykfBG5VpVQCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252810%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/02/napakagandang-bata-na-si-hanna.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/02/napakagandang-bata-na-si-hanna.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy