Ang bansang Italy ang masasabing “hardest-hit country” sa labas ng China, na pinaniniwalaang orihinal na pinagmulan ng nasabing virus. Inihayag din ng mga Italian officials na mayroong four hundred seventy-five (475) na bagong kaso ng pagkamatay dahil sa virus noong Miyerkules lamang. Ang nasabing bansa ay mayroon nang naitalang 35,713 na infections at humigit-kumulang 3,000
![]() |
Photo by Camilla Conti |
Dinala ng convoy ng mga Italian army trucks ang mga labi dahil napuno na raw ang local crematorium ng mga bangkay na dulot ng coronavirus.
Inatasan ang Italian military na tumulong sa paglilipat at pagdadala ng mga bangkay habang nakararanas ng coronavirus epidemic ang hilagang siyudad ng Bergamo sa bansang Italya. Ang crematorium ng nasabing lungsod ay na-i-report na kasalukuyang “working around-the-clock.”
Italian Army took the coffins out from Bergamo for cremation pic.twitter.com/6u2GM63FxL— Amichai Stein (@AmichaiStein1) March 19, 2020
Sa kaniyang Twitter account, nag-post ng larawan ang head ng “Lega Nord” na si Matteo Salvini kung saan ipinapakita ang tila hindi maputol na linya ng mga army trucks na nagtutungo sa kanilang Italian town, na makikita sa rehiyon ng Lombardy.
Ang mga nasabing military vehicles ay na-dispatched upang tumulong na alisin ang mga labi ng mga tao sanhi ng coronavirus, upang hindi na raw makaapekto sa mga taong nasa local level, ani Salvini.
Isang video rin ang na-i-post sa social media na kung saan ay ipinapakita nito ang mga “green and camouflage” trucks na naka-park sa tabi ng mga kalsada habang inihahanda ang paglilipat at pagdadala sa mga bangkay.
Source: Ruplty YT Channel
Ayon sa mga media reports, ang crematorium ng bayan ng Bergamo ay “overwhelmed” na raw sa bilang ng mga biktima ng coronavirus. Naitala na rin daw sa nasabing siyudad ang ninety-three (93) na kaso ng mga nasawi mula sa COVID-19. Inihayag din ng mga lokal na opisyal ang kani-kanilang takot na maaaring “the worst is yet to come.”
Ang bansang Italy ang masasabing “hardest-hit country” sa labas ng China, na pinaniniwalaang orihinal na pinagmulan ng nasabing virus. Inihayag din ng mga Italian officials na mayroong four hundred seventy-five (475) na bagong kaso ng pagkamatay dahil sa virus noong Miyerkules lamang. Ang nasabing bansa ay mayroon nang naitalang 35,713 na infections at humigit-kumulang 3,000 na kaso ng pagkamatay, ayon sa Johns Hopkins Coronavirus Resource Center.
Source: Ruplty YT Channel
COMMENTS