Babaeng nambastos ng isang Frontliner, patong patong na kaso ang kinakaharap.

source:  Provider Publications/Facebook account   N adakip at kinasuhan na ang isang netizen matapos niyang pagmumurahin at sabihin...

source: Provider Publications/Facebook account


 Nadakip at kinasuhan na ang isang netizen matapos niyang pagmumurahin at sabihin ng mga masasakit na  salita ang isang Pulis sa Social Media. Dahil hinarang siya nito at hindi pinapasok sa kanilang pupuntahan.


source: Provider Publications/Facebook account

Ginampanan lamang ng ating Pulis ang kanyang tungkulin na maipatupad ang mga direktiba sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) Checkpoint.

Nakilala ang netizen na si Jamellah Duatin y Mamaril, 27 taong gulang at residente ng Barangay Salcedo, San Manuel, Tarlac.


Napag-alaman na ang suspek ay mayroong ka-live in partner na taga-Barangay San Julian Moncada, Tarlac kung kaya’t gusto sana nitong pumasok at dumaan sa ECQ Checkpoint na isinasagawa ng mga kapulisan ng Moncada ngunit hindi ito pinadaan dahil ang Travel Permit o Home Quarantine Pass nito ay nanggaling pa sa bayan ng San Manuel.


Dahil dito, nagalit ang naturang suspek at nagpost sa kanyang facebook account ng masasamang salita laban sa Pulis. At agad naman itong kumalat sa social media at maraming netizen ang nagalit sa post ng suspek.





source: Provider Publications/Facebook account

Ang buong detalye ayon sa Post ng Provider Publications sa kanilang Facebook account:
MONCADA, Tarlac – Nakakulong na ngayon ang babaeng nagmura ng pulis sa social media na ginagampanan lamang ang kanyang tungkulin sa ibinabang direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na 6 na buwang State of Calamity ang buong bansa matapos nitong ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon.

Kinilala ang suspek na si Jamellah Duatin y Mamaril, 27 taong gulang, may live-in partner, College Graduate, Jobless, at residente ng Barangay Salcedo, San Manuel, Tarlac.



source: Provider Publications/Facebook account

Habang ang biktima ay kinilalang si Police Staff Sergeant Rogelio Palad, Jr. y Baldonado, 33 taong gulang, may asawa, College Graduate, Police Officer at residente ng Barangay Maluac, Moncada, Tarlac.


source: Provider Publications/Facebook account

Habang isinasagawa ni PSSg Palad ang Enhancement Community Quarantine sa Moncada Public Market, Barangay Poblacion 1, Moncada, Tarlac ay kanyang nakita ang suspek at kanyang pinahinto ito at kinausap ng maayos subalit ang suspek ay naging arogante at pinagbantaan ang biktima.

Napag-alaman na ang suspek ay mayroong ka-live in partner na taga-Barangay San Julian Moncada, Tarlac kung kaya’t gusto sana nitong pumasok at dumaan sa ECQ Checkpoint na isinasagawa ng mga kapulisan ng Moncada ngunit hindi ito pinadaan dahil ang Travel Permit o Home Quarantine Pass nito ay nanggaling pa sa bayan ng San Manuel.


Dahil dito, nagalit ang naturang suspek dahil hindi ito pinapasok ng mga kapulisan dahil sa kanilang pagsunod sa Protocol na kasalukuyang umiiral dahil sa ECQ.


Makalipas ang ilang oras ay ipinost na ng suspek ang biktima sa kanyang Facebook Account ng wala man lang kaalam alam na pinagsasalitaan na siya ng hindi magagandang pananalita.


Nakatanggap ng mensahe ang biktima buhat sa kanyang mga kaibigan at pamilya tungkol sa ipinost ng suspek na panglalait sa kanyang pagkatao bilang Police Officer.


Dahil dito, kaagad na nagtungo ang biktima sa kanilang tanggapan at iniulat ang insidente na kaagad namang ibinaba ang kautusang dakpin ang naturang suspek.


Sa pakikipagtulungan ng Moncada Municipal Police Station sa ilalim ng superbisyon ni Chief of Police Major Milo Abriam sa San Manuel Municipal Police Station sa ilalim ng superbisyon ni Chief of Police Captain Randie Niegos ay dinakip ang suspek sa Barangay Salcedo, San Manuel, Tarlac.



source: Provider Publications/Facebook account

Matapos na maipabatid sa suspek ang kanyang constitutional rights ay dinala ito sa San Manuel Municipal Police Station at pagkatapos ay dinala sa Moncada Municipal Police Station para sa kaukulang imbestigasyon, dokumentasyon at proper disposition.

Nakumpiska sa suspek ang kanyang cellular phone na ginamit sa insidente.


Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 151 of Revised Penal Code (Disobedience to an Agent of Person in Authority); Article 148 (Direct Assault against an Officer) at Cyber Libel na inihahanda na ng pulisya upang isampa sa korte."


Sana maging aral ito sa marami, na hindi dapat tayo padalos dalos sa ating mga aksyon.


Mabuhay kayong mga Frontliners and Keep Safe!



source: Provider Publications/Facebook account




COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Babaeng nambastos ng isang Frontliner, patong patong na kaso ang kinakaharap.
Babaeng nambastos ng isang Frontliner, patong patong na kaso ang kinakaharap.
https://1.bp.blogspot.com/-XCaRiQhqnjY/Xn4_-iW-7ZI/AAAAAAAACHQ/deAOxuEQayQPkvAEQmwJ9Pz43IgXfDJmQCPcBGAYYCw/s1600/Untitled%2Bdesign%2B%252828%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-XCaRiQhqnjY/Xn4_-iW-7ZI/AAAAAAAACHQ/deAOxuEQayQPkvAEQmwJ9Pz43IgXfDJmQCPcBGAYYCw/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252828%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/03/babaeng-nambastos-ng-isang-frontliner.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/03/babaeng-nambastos-ng-isang-frontliner.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy