Barcelona, SPAIN: Pinaka unang pinay na nagpositibo sa coronavirus, Naka-Recover na!

Si Arianne Canopio, 25, kasal at may isang anak na babae; nagtatrabaho bilang isang waitress sa isang restaurant at walong taon nang naninirahan sa Barcelona, Spain. Nagpositibo siya sa COVID-19 nitong Marso 13 at na-ospital sa loob ng anim na araw.

Source: Eagle News / Youtube

Bagyo, lindol, o sakit – kahit ano pang unos ang dumaan – at kahit saang bahagi man ng mundo, laging napapatunayan na malakas at matatag ang mga Pilipino.

            Si Arianne Canopio, 25, kasal at may isang anak na babae; nagtatrabaho bilang isang waitress sa isang restaurant at walong taon nang naninirahan sa Barcelona, Spain. Nagpositibo siya sa COVID-19 nitong Marso 13 at na-ospital sa loob ng anim na araw.

“Natakot po ako no’ng sinabi na nag-positive ako kasi ‘di ko alam kung kailan makakalabas, kung gagaling pa ako,” pag-alala ni Arianne matapos ang kaniyang check-up sa isang klinika sa Barcelona, at saka siya pina-admit sa isang pampublikong ospital sa nasabing bayan.

Subalit sa kabila ng lahat ng ito, ipinakita niya pa ring may pananalig at matatag ang isang Pilipino – dumaan man ang kahit anumang unos…
           
“Simula”

Sa isang panayam sa kaniya ng Eagle Broadcasting Corporations’ (EBC) Eagle News Service, isang news station sa Spain, ibinihagi ni Canopio ang kaniyang karanasan. Una niyang inilahad na nakaramdam siya ng flu at “drysore throat noong Lunes, Marso 09. Wala raw siyang ubo o sipon, at nakaya pa raw niyang pumasok sa kaniyang trabaho – subalit nakararamdam daw siya ng pagod.

            Noong kumonsulta raw siya sa doktor, sinabihan daw si Arianne na huwag mag-alala sapagkat isa lamang daw itong “common flu.” Nagpahinga raw siya sa kanilang bahay, uminom ng gamot at nakaramdam ng pagbuti ng kaniyang kalagayan.

            Subalit, makalipas daw ng ilang araw, nakaramdam daw siya ng hirap sa paghinga “as if I have asthma,” ani Canopio.

            Nagpahinga raw siya sa kanilang tahanan subalit hindi bumuti ang kaniyang kalagayan. Dito niya raw napagtanto na hindi na raw “usual flu” ang nararamdaman niya.

            Bumalik daw siya sa klinika para magpa-checkup muli. Isang x-ray daw ang ipinakita sa kaniya at natuklasang may impeksiyon na ang kaniyang kaliwang baga. Sinabi rin kay Arianne na maaaring mayroon na siyang pneumonia.

            Isinailalim siya sa isang test para sa COVID-19 noong Biyernes, Marso 13. Lumabas ang resulta ng kaniyang test kinabukasan, Sabado, Marso 14: “positive.”

“Laban”

            Sa ospital, hindi raw nabibisita si Arianne. Ang mga nars at ang mga doktor daw ay naka-“full gear” sa pag-aasikaso sa kaniya araw-araw, tinitingnan ang kaniyang vital signs, at kinukuhanan siya ng blood samples para i-test. Hindi raw sila dapat manatili sa kaniyang kuwarto nang higit sa isang oras.

            Nag-iisa raw lamang si Canopio sa kaniyang kuwarto. Sabi pa ni Arianne, masakit raw para sa kaniya na hindi niya makita ang kaniyang pamilya sa buong panahon niyang pananatili sa ospital.

            Binibigyan daw siya ng limang tablets araw-araw, ang kaniyang mga antibiotics naman ay ibinibigay sa kaniya sa pamamagitan ng kaniyang dextrose.

            Nang bumuti ang kaniyang pakiramdam matapos ang anim na araw, napagdesisyunan ng ospital na siya’y i-discharge at hindi na i-test sa ikalawang pagkakataon.

            Sinabihan siyang magpahinga at mag-fully recover sa kanilang tahanan.

            “Maraming tao na mas nangangailangan sa hospital,” ani Arianne sa kaniyang panayam.

            Pinaalalahanan na lamang siya ng ospital na tumawag dito kung nakaramdam na bumabalik ang mga sintomas matapos ang dalawang linggo.

“Mensahe”

            Dahil sa mga nangyari at sa mga naging karanasan niya, pinayuhan ni Arianne ang kapwa niya mga Pilipino na seryosohin ang virus at manatili raw sa kanilang mga tahanan.

            “Kailangan nilang seryosohin talaga ‘yong virus. Kasi hindi ito biro. Ako personally naranasan ko ‘yong hirap. ‘Yong epekto ng virus. Dati akala ko wala lang, parang trangkaso lang. 

Pero iba-iba ang epekto sa tao, lalo na sa nakatatanda,” ayon kay Canopio.

            Ipinunto rin niya ang kahalagahan ng pananatili ng mga tao sa kani-kanilang bahay habang mayroong coronavirus outbreak.

            Siniguro rin ni Arianne sa kaniyang pamilya sa Pilipinas na ayos lang daw siya habang nagre-recover sa kanilang tahanan. Kasama niya raw ang kaniyang asawa habang nananatili naman sa ibang lugar ang kanilang anak na babae.

            “Pahinga lang po, maraming pahinga. Hindi pa po puwedeng gumawa ng mabigat na bagay,” payo ng Pilipina sa mga katulad niyang nagre-recover mula sa impeksiyon.

            Ang pagkain din daw ng mga gulay at prutas, pagkakaroon ng sapat na tulog, pagkakaroon ng positibong mentalidad habang naka-quarantine sa mga bahay-bahay, at ang pagiging malinis sa lahat ng oras – ito raw ang dapat na ginagawa ng isang taong nagre-recover.
 Nagpasiyang ikuwento ni Arianne ang kaniyang mga naging karanasan upang makapagbigay daw ng babala sa lahat na ang COVID-19 ay hindi basta-bastang ordinaryong viral infection. Umaasa rin daw siyang makapagbigay ng inspirasyon sa mga taong patuloy na nakararanas ng COVID-19 – na mayroong pang tiyansa na gumaling. Na mayroon pang pagkakataon na maranasan ang “buhay” at sulitin ito.
Panoorin ang buong interview dito.

Source: Eagle News / Youtube

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Barcelona, SPAIN: Pinaka unang pinay na nagpositibo sa coronavirus, Naka-Recover na!
Barcelona, SPAIN: Pinaka unang pinay na nagpositibo sa coronavirus, Naka-Recover na!
Si Arianne Canopio, 25, kasal at may isang anak na babae; nagtatrabaho bilang isang waitress sa isang restaurant at walong taon nang naninirahan sa Barcelona, Spain. Nagpositibo siya sa COVID-19 nitong Marso 13 at na-ospital sa loob ng anim na araw.
https://1.bp.blogspot.com/-GYzDjPAC-pc/XnotaM2am7I/AAAAAAAACC0/DPrVIlkCQGIUyscO6s4MC4oHhQSucSH2gCNcBGAsYHQ/s1600/Pinay%2Bin%2BSPAIN%2Bnow%2BRecovering%2Bfrom%2BCOVID-19.png
https://1.bp.blogspot.com/-GYzDjPAC-pc/XnotaM2am7I/AAAAAAAACC0/DPrVIlkCQGIUyscO6s4MC4oHhQSucSH2gCNcBGAsYHQ/s72-c/Pinay%2Bin%2BSPAIN%2Bnow%2BRecovering%2Bfrom%2BCOVID-19.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/03/barcelona-spain-pinaka-unang-pinay-na.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/03/barcelona-spain-pinaka-unang-pinay-na.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy