source: beteve.cat H indi inaasahan nila Liza at Benson, magkasintahang Filipino na nakatira sa Barcelona, Spain, na ang araw ng kanila...
source:beteve.cat
Naganap ang kasalan ng magkasintahan sa araw mismo ng pagsilang ng kanilang anak.
Madalas nating makita ang mga ganitong baay sa mga palabas sa telebisyon lamang. Sa totoong buhay ay nangyayari din pala.
Habang naghahanda ang bride para sa kanyang kasal hindi niya inaasahan ang pag putok ng kanyang panubigan kaya´t kinailangan nilang pumunta kaagad sa hospital kasama ang kanyang kaibigan suot suot ang kanyang traje de boda.
Si Liza at ang kanyang kaibigan ay sumakay sa isang pampublikong sasakyan papunta sa hospital Maternitat. Habang ang groom ay naghihintay naman sa simbahan ng walang ka alam alam na manganganak na ang kanyang mapapangasawa.
Nang malaman ni Benson na ang kanyang mapapangasawa na nasa hospital na, agad agad siyang pumunta sa hospital kasama ang kanilang mga pamilya at ang pare.
Dahil sa paniniwal ni Liza nais niyang maikasal manu bago siya manganak, na pinahintulotan naman ng hospital na mangyari ang hiling ni Liza.
Sa isang kwarto kung saan manganganak si Liza ay naroon ang kanilang mga pamilya at ang pare upang ituloy ang pag iisang dibdib nila Liza at Benson.
Ang mga empleyado sa hospital maternitat ay namangha at sobrang natuwa dahil ang kasalan nila Liza at Benson ay isang history sa nasabing hospital dahil iyon ang kauna-unahang kasal na naganap doon.
Pagkatapos ng ceremonya ay itinuloy na ang pag papaanak kay Liza at sa araw na iyon ay isiniling si Prince Benedict.
Dahil paniniwala ni Liza hindi naging hadlang ang kanyang panganganak upang maituloy ang kasal nila ni Benson.
source:beteve.cat
COMMENTS