Gumamit Na Lang ng mga Ordinaryong Plastic Bags Bilang Tugon sa Kakulangan sa mga PPEs ang Mga Health Workers ng St. Jude Hospitalx

Dahil sa patuloy na pagdami ng mga bilang ng kaso ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19, nakukulangan na raw ang Pilipinas sa mga personal protective equipments (PPEs).

Photo by Tes Depano / Facebook

Dahil sa patuloy na pagdami ng mga bilang ng kaso ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19, nakukulangan na raw ang Pilipinas sa mga personal protective equipments (PPEs). Sa kaganapang ito, humihingi na rin ng tulong ang mga ospital ng mga donasyon mula sa mamamayan dahil kahit raw nagbibigay ang gobyerno ay nananatili pa ring kulang ang mga ito.

Sa kabila ng patuloy na pagbuhos ng tulong, marami nang health workers ang gumawa ng sari-sarili nilang gears. Kaysa naman daw sa valang magamit, ang iba’y gumawa na lamang ng DIY face shield na yari sa mga office supplies at grocery items.

Para sa mga health workers ng St. Jude Hospital sa Los BaƱos, wala raw makapipigil sa pagtupad nila sa kani-kanilang tungkulin kahit na wala raw silang mga ideal gears. Sa kasalukuyan, upang hindi sila matigil sa pagtatrabaho, gumamit sila ng mga plastic bags ng iba’t ibang laki at kulay para lang i-cover ang kani-kanilang sarili.

Nag-share ng ilang larawan sa Facebook ang isang user na may pangalang Tes Depano. Makikita sa mga larawang ipinost niya ang dalawang health workers na naka-wrapped sa malalaking plastic bags. Ang kanilang mga gulo ay naka-cover sa yellow sando bags at binutasan ang parte nito upang makakita ang kanilang mga mata. Sa unang tingin ay maaari raw isipin na hindi sila nagtatrabaho sa isang ospital, ngunit ito raw ang malungkot na realidad dahil sa kakulangan ng mga medical supplies.

Photo by Tes Depano / Facebook
Tulad ng ginagawa ng ibang pampublikong ospital, humingi rin si Depano sa mga netizens ng tulong at donasyon ng mga personal protective equipments.

Ipinahayag naman ng mga netizens ang kanilang naramdaman tungkol sa ipinost na mga larawan. 

Photo by Tes Depano / Facebook

Sabi ng isang netizen, “Salute to you! Even if you look funny and not comfortable, you still managed to do your job. Prayers for your safety.”

Ani pa ng isa, dapat lamang daw na protektahan ng gobyerno ang mga itinuturing na frontline workers. Kung wala raw sila, wala raw titingin at gagamot sa mga taong nagkakasakit.

“It isn’t stupid if it works. It is funny but at the same time makes us happy for being resourceful,” pahayag naman ng isa pang netizen. 

Photo by Tes Depano / Facebook

Sa buong mundo, ang demand sa mga nasabing kagamitan ay “insanely high.” Dapat daw na hindi naho-hoard ang mga ito. Bagkus, dapat daw itong ibahagi sa mga nangangailangan lalo na sa mga frontliners at sa mga taong may sakit.

Ngayon, dumarami na rin daw ang bilang ng mga medical workers na nagpopositibo sa nasabing virus. Ang ilan dito ay hindi na rin nakaka-recover. Nawa’y makinig daw sana ang mga tao sa kanilang kahilingan.

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Gumamit Na Lang ng mga Ordinaryong Plastic Bags Bilang Tugon sa Kakulangan sa mga PPEs ang Mga Health Workers ng St. Jude Hospitalx
Gumamit Na Lang ng mga Ordinaryong Plastic Bags Bilang Tugon sa Kakulangan sa mga PPEs ang Mga Health Workers ng St. Jude Hospitalx
Dahil sa patuloy na pagdami ng mga bilang ng kaso ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19, nakukulangan na raw ang Pilipinas sa mga personal protective equipments (PPEs).
https://1.bp.blogspot.com/-E2YJg4e4QPk/XnkHMjECqxI/AAAAAAAACBk/BnX1AedbiIQbrsj32mdSXW1mhgpGgKPIwCNcBGAsYHQ/s1600/Improvised%2BPersonal%2BProtective%2BEquipment%2B%2528PPE%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-E2YJg4e4QPk/XnkHMjECqxI/AAAAAAAACBk/BnX1AedbiIQbrsj32mdSXW1mhgpGgKPIwCNcBGAsYHQ/s72-c/Improvised%2BPersonal%2BProtective%2BEquipment%2B%2528PPE%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/03/gumamit-na-lang-ng-mga-ordinaryong.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/03/gumamit-na-lang-ng-mga-ordinaryong.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy