photo source: Facebook D ahil sa kinahaharap na coronavirus pandemic ngayon sa buong mundo, naging seryoso ang lahat sa ...
photo source: Facebook
Subalit, maliban sa pagtalima sa mga programang
makatutulong sa pag-iwas sa COVID-19 ay nagagawa pa rin ng mga Pilipino na
magkaroon ng katuwaan sa gitna ng kinahaharap na krisis ngayon. Isa na nga rito
ang trending posts ng dalawang
gobernador na “nagsagutan” online
tungkol sa check points na isinasagawa
sa kani-kanilang lugar.
Nag-post kasi si
Governor Jonvic Remulla, gobernador ng Cavite, tungkol sa kung paano siya hindi
pinalagpas sa check point mula
Barangay Inchikan, Silang papuntang Nuvali. “Bawal daw” ang sabi ng hepeng
nakaistasyon sa nasabing lugar – at wala raw ang “werpa” ni Remulla sa check point na iyon. Dahil dito’y
“sinulatan” niya ang gobernador naman ng Laguna na si Governor Ramil Hernandez.
Sinabi niyang tandaan daw ni Hernandez na likas daw ang
yabang at tapang nilang mga Kabitenyo. Ikinumpara pa nga niya ang mga pangalan
ng bayan ng kanilang lugar sa lugar ni Hernandez:
“Ang mga taga-Laguna, mga maka-diyos. Tingnan mo pangalan
ng mga bayan mo: San Pedro, Santa Cruz, Sta. Rosa. Kami dito: General Trias,
General Aguinaldo, General Mariano Alvarez. Nilikha kami sa digmaan.”
Tila “pinagbantaan” pa nga niya ang gobernador ng Laguna.
Huwag niya lang daw marinig na tatawid ito ng SLEX papuntang Maynila. Magtatayo
raw siya ng checkpoint sa Carmona
para raw hindi ito makatawid. Dapat din daw umikot sa Rizal si Hernandez upang
maramdaman din daw niya ang nararamdaman ng mga kababayan ni Remulla.
Tinapos niya ang kaniyang online letter sa pahayag na “Iyong dating kaibigan, Gob. Jonvic.”
Ngunit sa hulihang bahagi ng nasabing liham ay sinabi
niyang “joke” lang ang mga sinabi niya! Sabi pa ni Remulla, “Even governors observe quarantine procedures.
Dapat lahat tayo.”
photo source: Facebook
At hindi naman nagpatalo ang mga taga-Laguna! Sa kaniya ring Facebook post, tila “sinagot” naman ni Gov. Hernandez ang “bukas na liham” ni Gov. Remulla. Nabasa niya raw kasi ito at mayroon siyang kasagutan:
“Kapag may ulan o bagyo, lagi mo akong inuunahang
magdeklara ng walang pasok. Kaya lagi akong naba-bash ng mga masisipag pumasok dine sa amin kahit mahina naman ang
ulan dito sa Laguna. Ngayon, ‘wag mo naman sanang masamain na ako naman ang
nauna na nagdeklara ng Total Lockdown.”
Ipinapanalangin daw ng mga taga-Laguna ang kaligtasan ng
lahat. Sabi pa ni Hernandez kay Remulla, “Pahiram naman ng mga mandirigma mo
diyan para sa matitigas ang ulo dine sa amin.”
At kung pa-pogi-an lamang daw ang pag-uusapan, mas
matangkad lang daw si Remulla ayon kay Hernandez. Mga tao na lamang daw ang
magsasabi kung kaninong gobernador ang mas pogi.
Tinapos ni Hernandez ang kaniyang “liham” sa pahayag na,
“Ang iyong kapit lalawigan, GOV. RAMIL.”
Sa huling bahagi ng online
letter na ito ng gobernador ng Laguna, sinabi niya ring “joke” lang din daw
ang lahat ng iyon. Nagpasalamat pa nga ito kay Remulla dahil sa kaniyang
pang-unawa.
COMMENTS