Italian Actor sa Netflix, Napilitang magself quarantine kasama ang bangkay ng kanyang kapatid na positive sa COVID-19

Si Luca Franzese, na bumida sa hit “Netflix” show na “Gommorah”, ay nag-post ng ilang “heartbreaking” Facebook videos na nagpapakita ng trauma na kailangan niyang harapin at tila desperado na ring humihingi ng tulong.

Source: Wkiaboutworld


Dalawang araw nang na-trap ang isang Italyanong aktor sa loob mismo ng kaniyang bahay dahil sa kautusang i-self-isolate ang kaniyang sarili kasama ang bangkay ng kaniyang kapatid na babae na hinihinalang namatay dahil sa coronavirus sa Italy.

Si Luca Franzese, na bumida sa hit “Netflix” show na “Gommorah”, ay nag-post ng ilang “heartbreaking” Facebook videos na nagpapakita ng trauma na kailangan niyang harapin at tila desperado na ring humihingi ng tulong.

Ang kapatid niyang si Teresa Franzese, 47, ay namatay noong Sabado sa Naples at napamalitang tinanggihan umano ng mga undertakers na kunin ang kaniyang mga labi.

Source: TVV Noticias

Sa isa sa mga video clips, kung saan ay nakikita sa background ang mga labi ng kapatid ng aktor, sinabi ni Luca na pakiramdam niya ay inabandona siya ng kaniyang “virus-ridden country.”

“My sister died yesterday, probably because of the virus, and I’ve been waiting for answers since last night,” sabi niya.

Dagdag pa ng aktor, “Guys, we are ruined. Italy has abandoned us.”

Nag-post muli siya ng isang video na kung saan, sinabi niyang tatlo pang miyembro ng kaniyang pamilya ang lumabas na positibo sa nakamamatay na virus.

“The nightmare goes on,” ani pa ni Franzese.

Inilahad pa ng gym instructor na ito na nagkaroon siya ng mga “desperate attempts” para lang maisalba ang buhay ng kapatid niyang babae.

Bunyag pa niya: “To keep my sister alive, I tried to give her mouth to move resuscitation and no one cared, no one is calling me.”

Hindi lang si Franzese ang kinailangang manataili sa kanilang bahay kasama ang bangkay; kasama niya rin ang mga bata at nakatatanda nilang magulang.

Una nang napamalitang may isang biyuda ang naiwan rin sa kaniyang sariling pamamahay nang dalawang buong araw kasama ang labi ng kaniyang namayapang asawa dahil sa lockdown sa Italy.

Sa Borghetto Santo Spirito, isang babae ang nakitang umiiyak at humihingi ng tulong mula sa balcony ng kaniyang bahay matapos mamatay ang kaniyang asawa noong Lunes, Marso 9.

48 oras matapos ang kaniyang kamatayan, ang katawan ng lalaki – na nagpositibo sa virus – ay napag-alamang naiwan sa loob ng kanilang quarantined apartment.




Sa isang interview ng CNN, kinumpirma ng alkalde ng nasabing bayan ang nakagugulat na balita, bago pa naialis ang nasabing bangkay.

Bago nito, sinabi ni Giancarlo Canepa, “Yes, it is true she is still there with the body and we won’t be able to remove it until Wednesday morning.”

Dahil nga sa striktong quarantine rules, walang sinuman ang pinayagang lapitan ang nasabing katawan.

Dagdag pa niya, “Unfortunately, we have a security protocol we must follow.”

Sinabi rin ng alkalde na ang lalaking namatay ay tinanong pa kung gusto niyang magpunta sa isang lokal na ospital sa kanila upang mapabili ang kaniyang recovery, subalit tumanggi raw ito.

“Otherwise, this wouldn’t have happened,” ani pa ni Canepa.

Nag-post naman ng video interviews ang IGV.IT, isang local television station, na kung saan ay ininterbyu ang mga kapitbahay ng babae tungkol sa trahedyang naranasan niya.

Sabi ng isa, “Right now the most important thing is to think about this lady, alone with the body of her husband… No one can come close to help her nor comfort her.”

Dagdag naman ng isa pang kapitbahay, umaasa raw sila na mabilis itong mareresolba. Sabi pa niya, “Out thoughts are with her and on what she is living through.”

Sa ngayon ay mayroong 10,000 kaso sa Italy ang kumpirmado sa virus. At mayroon nang 631 kaso ng namatay sa nasabing bansa na resulta ng COVID-19.

Source: TVV Noticias

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Italian Actor sa Netflix, Napilitang magself quarantine kasama ang bangkay ng kanyang kapatid na positive sa COVID-19
Italian Actor sa Netflix, Napilitang magself quarantine kasama ang bangkay ng kanyang kapatid na positive sa COVID-19
Si Luca Franzese, na bumida sa hit “Netflix” show na “Gommorah”, ay nag-post ng ilang “heartbreaking” Facebook videos na nagpapakita ng trauma na kailangan niyang harapin at tila desperado na ring humihingi ng tulong.
https://1.bp.blogspot.com/-m4apLVZYPL4/XnTbg9q0f5I/AAAAAAAAB9I/aAfXSzkfL3QVbelohYGKUORT_ARXZ1y5gCNcBGAsYHQ/s1600/Untitled%2Bdesign%2B%252821%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-m4apLVZYPL4/XnTbg9q0f5I/AAAAAAAAB9I/aAfXSzkfL3QVbelohYGKUORT_ARXZ1y5gCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252821%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/03/italian-actor-sa-netflix-napilitang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/03/italian-actor-sa-netflix-napilitang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy