photo credit to:Anne Ben / Facebook account A ng isang haligi ng tahanan ay gagawin lahat upang mai-taguyod at maging matibay ang pamil...
photo credit to:Anne Ben / Facebook account
Gaya na lamang ng senaryo na ito kung saan akala ng jeepney driver na ito ay ikinahihiya siya ng kanyang mga anak dahil sa kanyang trabaho.
Ibinahagi ni Anne Ben ang larawan kung saan kasama nito ang isang kapatid at ang kanilang butihing ama. Ipinakikita niya dito at ipinagsisigawan kung gaano nila ipinagmamalaki ang kanilang ama na isang jeepney driver.
Ayon sa ama ng dalawang dalaga ay nahihiya ito na magpakuha ng litrato kasama sila dahil siya ay nakasuot ng uniporme bilang isang jeepney driver.
Ngunit para sa dalawang anak niya, nais nilang ipakilala at ipagsigawan ang masipag nilang ama na bumubuhay sa kanila dahil sa pagsusumikap at pagti-tyaga na ma-itaguyod sila.
Proud na proud ang mga anak sa kanilang ama at hindi nila ito ikinakahiya.
Ayon sa dalawang dalagita " Never ka namin kinahiya isama sa picture na naka uniform ng pang jeepney driver Pa! Dahil sobrng proud kame sainyo".
Ang marinig ng isang ama ang mga katagang iyan ay nakakapawi ng pagod at hirap. Nakakataba ng puso at lalong gaganahan magtrabaho ang isang ama upang mai-taguyod ang pamilya.
Kaya naman huwag natin ikahiya kung anu ang tabaho ng ating mga magulang bastat ito ay marangal. Dahil sainyo din sila humuhugot ng lakas kapag pinanghihinaan na sila. Kaya naman ipakita at iparamdam ang pagmamahal sa ating mga magulang.
source: Anne Ben / Facebook account
COMMENTS