Si Casimero Ruiz Padilla Sr., o mas kilala rin sa pangalang Roy Padilla, Sr
![]() |
Photo by Tol Leohood Numero Unong Loyalista ni Robin Padilla |
Maliban sa pagiging aktor at direktor sa ilalim ng pangalang “Carlos Roy Padilla”, gumawa rin siya ng pangalan sa larangan ng pulitika. Naging four-time mayor siya ng bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte, SSS Commissioner at Bise-Gobernador ng Camarines Norte. Naging gobernador din siya ng probinsiya ng Camarines Norte at Representative ng Batasang Pambansa. Lagi siyang nagwawagi sa kaniyang mga political campaigns at laging “landslide” ang kaniyang pagkakapanalo.
Photo by Rommel Padilla
Si Roy Padilla, Sr. ay naging organizer din at hinirang na National President ng National Mines and Allied Workers Union, ang epitome nag labor unionism sa Pilipinas na may humigit kumulang 10,000 na miyembro, na kadalasan ay nasa mining industry.
Naitalaga rin siyang pangulo ng Miners’ International Federation na nakabase sa England, United Kingdom. Naging delegado rin siya ng Pilipinas sa International Labour Organization ng United Nations sa Geneva, Switzerland.
Subalit, may mga bagay talaga sa buhay na hindi inaasahan. Namayapa si Roy noong Enero 17, 1988, isang araw bago ang national elections sa Labo, Camarines Norte. Siya ay 61 taong gulang at inilibing sa Camarines Norte.
Source: Wikipedia.org, Geni.com
COMMENTS