T ayong mga mamayan tungkulin nating sundin ang ibinabang direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duerte na Enhanced Community Quarantine...
Ang direktibang ito ng pangulo ay dapat nating pagtuonan ng pansin, seryosohin at huwag ipagwalang bahala. Dahil ang ating kalaban ay hindi natin nakikita at hindi biro ang kinakaharap natin na pagsubok, hindi lang ang ating bansa ang nakakaranas nito kundi ang buong mundo.
Sa Probinsya Tuguegarao City, Cagayan, mayroong isang barangay na tuloy parin ang pagsusugal at hindi sumusunod sa ipinatupad ng gobyerno na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ito ay ang Barangay Ugac Norte, kung saan naabotan ng mga barangay opisyal ang mga pasaway na tao na nagsusugal. Isa sa kanila ay nagawa pang mangatwiran, kahit alam na nga niyang hindi tama ang kanilang ginagawa.
Ang mga taong ito ay hindi naiintindihan ang kinakaharap na problema ng bansa. Kung kayo ay hindi naawa sa inyong mga sarili. Maawa kayo sa ibang mamayan ng Pilipinas at sa mga Frontliners natin na nagtataya ng kanilang buhay upang mailigtas tayo at maalagaan.
Marami ang nagalit na netizen dahil ang mga taong ito ay ipinagwawalang bahala ang direktiba ng Gobyerno.
Ito ang mga ilan sa komento ng mga netizen:
"Marlon Paras dapat sa kanila ikulong ang mga yan at mag multa hindi nakaka intindi. hindi po biro ang sinasabi nating virus na ito nababale wala lang ang hirap ng mga Frontliners natin kung patuloy po ninyo ignore ang sinasabing social distancing wala pong virus proof kahit sino man."
"Andy Bautista Marlon Paras wag sanang humantong na mapapagod ang mga frontliners at maisipan nilang umuwi nlng sa mga bahay bahay nila para masiguro at pagsilbihan mga sariling pamilya. Wlang kwenta ang sakripisyo nila kasi mismo tayong gusto nilang protektahan at pinagsisilbihan ay ayaw sumunod sa napaka simpleng pinapakiusap."
March 28, 2019, kaso ng coronavirus sa ating bansa ay nasa 1,075 na, namatay 68, nakarecover 35.
credit to:worldometer
Sana ay makinig tayo sa gobyerno at sumunod tayo sa pinapatupad ng ating mga opisyals. Dahil ikakabuti ito ng bawat isa sa atin. Manatili po sana tayo sa ating mga tahanan.source: Ugac Norte / Facebook
COMMENTS