“Ang edukasyon ang pinakamaganda at pinakamahalagang kayamanang dapat na makamtan ng isang tao.”
![]() |
Source: msaiaidelasalas Instagram |
“Ang edukasyon ang pinakamaganda at pinakamahalagang kayamanang dapat na makamtan ng isang tao.”
Marahil ay hindi na bago sa isang Pilipino ang ganitong mga pahayag. Mula pa pagkabata ay naririnig na ang mga salitang ito mula sa mga magulang, nakatatanda, maging na ang mga naging guro sa loob ng paaralan.
Kahit sino ay nararapat lamang na magkaroon ng kaalaman. Kung walang natatamong edukasyon ang isang tao, hindi siya magkakaraoon ng kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay sa kaniyang paligid. Ang edukasyon ang nagsisilbing unang baitang ng isang tao upang maabot niya ang mga pinapangarap niya sa buhay. Dapat na magkaroon ang isang tao ng pormal na edukasyon upang ang mga trabaho o propesyon na nais niyang makuha ay mapagtatagumpayan niya sa huli
Tulad na lamang ng mister ng sikat na komedyanteng si Ai-Ai Delas Alas. Kamakailan nga lamang ay nakapagtapos na si Gerald Sibayan sa kaniyang “flying school.” Sa kaniyang Instagram account ay masayang ibinahagi ni Ai-Ai ang magandang balita. Nagbahagi pa siya rito ng ilang mga larawan ng naganap na graduation ceremony ng kaniyang mister.
Pahayag ni Ai-Ai, “Masayang masaya ako dahil parati mong iniisip ang future natin. The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams.”
Sagot naman ng asawa niyang si Gerald, nagpapasalamat naman siya sa kaniyang “my wife” dahil sa pagiging supportive nito sa kaniya sa lahat ng gusto niyang mangyari at nais niyang maganap sa buhay nilang dalawa.
Hinangaan naman ng publiko ang pagmamahalan ng dalawa at ang suportang ibinibigay nila sa isa’t isa. Marami ring kinilig dahil sa matatamis na mensahe ni Ai-Ai kay Gerald at maging ang naging mensahe ni Gerald sa Kapuso host at comedienne.
Matatandaang ikinasal sina Ai-Ai at Gerald noong Disyembre 2017 sa Quezon City matapos ang halos tatlong taon nilang pagiging magkasintahan.
Source: msaiaidelasalas Instagram
Masasabi nga namang napakapalad nina Ai-Ai at Gerald dahil kapiling nila ang isa’t isa sa hirap at ginhawa at sa pag-abot ng kani-kanilang pangarap sa buhay.
Source: msaiaidelasalas Instagram
COMMENTS