Nasaan na kaya si Princess Punzalan, ang tinaguriang, "Kontrabida of All time"?

Isa sa pinakakilalang “Primera contravidas” ng Philippine television si Princess Punzalan. Sino ba raw ang makalilimot sa kaniyang karakter na “Selina” sa teleseryeng “Mula sa Puso”?

Source: realprincesspunzalan IG
Nakatatanggap ng mga batikos at galit mula sa mga manonood ang ilang mga aktor dahil sa kani-kanilang pagganap sa mga programa, lalo na kung ginagampanan nila ang pagiging “kontrabida” sa buhay ng pangunahing tauhan. Subalit para sa kanila, isa raw itong “compliment” dahil patunay lamang daw ito na epektibo ang kakayahan nila bilang mga aktor. 



Isa sa mga pinakakinaiinisang kontrabida sa balat ng telebisyon dito sa Pilipinas ay si Bernadette Punzalan (na ipinanganak noong November 20, 1968), o mas nakilala sa pangalang “Princess Punzalan.”

Isa sa pinakakilalang “Primera contravidas” ng Philippine television si Princess Punzalan. Sino ba raw ang makalilimot sa kaniyang karakter na “Selina” sa teleseryeng “Mula sa Puso”? 


Ang karakter niya rin bilang “Ernestina Villamayor” sa programang “Kung Mawawala Ka” ay nagbigay rin sa kaniya ng kasikatan. Matapos nito ay sunod-sunod na ang mga “kontrabida” roles na iniatang sa kaniya.

Maraming fans ang nagulat nang bigla siyang lumisan sa showbiz. Hindi na siya nakikita sa telebisyon at sa mga pelikula. Dahil dito, napapatanong ang mga fans kung nasaan na ang aktres. Ang minsang naging paboritong kontrabida sa mga teleserye ay kasalukuyang nasa U.S. at naninirahan doon kasama ang Amerikano niyang asawa.

Sa mga unang taon niya, magkaibang-magkaiba raw ang buhay ni Punzalan sa U.S. kumpara nang siya ay nananatili pa lamang sa Pilipinas. Nagtrabaho raw siya sa isang restaurant na kung saan, siya ang tagakuha ng mga orders ng kanilang mga customers.

Tinupad niya ang kaniyang “long-time dream” na maging nurse at nag-enroll sa nursing course. Sa ngayon, si Princess ay isa nang licensed nurse sa San Diego, California. Ibinahagi rin ng dating aktres na isa raw siyang “caring person” sa totoong buhay at dati pa raw niya talagang gustong maging nurse dahil nais niya raw alagaan ang mga taong nangangailangan. 




Sa isa sa kaniyang mga panayam kasama ang kapwa celebrity at kaniyang “good friend” na si Pops Fernandez, ibinunyag niyang isa na siyang ina ngayon at kahit lagi raw siyang natutulog “late at night” dahil sa kaniyang trabaho, masaya pa rin daw si Punzalan sa kaniyang ginagawa.

Nang tinanong ni Pops kung hindi ba nami-miss ni Princess ang showbiz, inamin ng dating aktres na name-miss niya raw ang acting ngunit hindi ang kasikatan. Hindi niya raw nami-miss ang buhay niya bilang isang celebrity subalit nami-miss niya raw ang pag-arte sa harap ng kamera. 


Sa katunayan, ginampanan niya ang isang “small role” sa ABS-CBN teleserye na “The Story of Us” na pinagbidahan nina Kim Chiu at Xian Lim. Ang ilang mga eksena kasi ay kinunan sa U.S. Ibinahagi rin ni Punzalan na gumawa raw siya ng pelikula na magkakaroon ng “international release.” Kasalukuyan daw siyang naka-enroll sa isang acting workshop kasama ang aktor na si Billy Hufsey.

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Nasaan na kaya si Princess Punzalan, ang tinaguriang, "Kontrabida of All time"?
Nasaan na kaya si Princess Punzalan, ang tinaguriang, "Kontrabida of All time"?
Isa sa pinakakilalang “Primera contravidas” ng Philippine television si Princess Punzalan. Sino ba raw ang makalilimot sa kaniyang karakter na “Selina” sa teleseryeng “Mula sa Puso”?
https://1.bp.blogspot.com/-YKWaa5NtnQE/Xn0EUHEaygI/AAAAAAAACEQ/rM_erZPJeHEflSkHJSuOeG9L8xq8BUOAQCNcBGAsYHQ/s1600/Untitled%2Bdesign%2B%252829%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-YKWaa5NtnQE/Xn0EUHEaygI/AAAAAAAACEQ/rM_erZPJeHEflSkHJSuOeG9L8xq8BUOAQCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252829%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/03/nasaan-na-kaya-si-princess-punzalan-ang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/03/nasaan-na-kaya-si-princess-punzalan-ang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy