Pumanaw na ang kauna-unahang aso na biktima ng corona virus bago pa man maideklarang disease-free at maiuwi sa kaniyang amo. Ang 17-year-old Pomeranian ay na-quarantined sa isang government facility.
![]() |
Credits: Dailymail.co.uk |
“KAUNA-UNAHANG ASO NA BIKTIMA NG CORONA VIRUS, NAMATAY NA”
Ayon sa tagapagsalita ng Hong Kong’s Agriculture, Fisheries and Conservation Department (AFCD) sa South China Morning Post: “The department learned from the dog’s owner that it had passed away on March 16. The owner said she was not willing to (allow) an autopsy to examine the cause of death.”
Nitong nakaraang buwan, ang aso ay “weak positive” sa limang nasal at oral analysis. Ngunit, sa dalawang tests na isinagawa noong Marso 12 at 13, lumabas na ang aso ay negatibo at pinayagan nang makauwi.
Ang may-ari ng aso ay kinilala bilang si Yvonne Chow Hau Yee, isang 60-year-old businesswoman. Noong mga huling araw ng Pebrero, siya ay tinamaan din ng nasabing virus at na-ospital. Nakarekober siya mula sa virus at nakauwi na noong Marso 8.
Inihayag ng AFCD na ang genetic make-up ng virus na natagpuan kay Chow Hau Yee at sa kaniyang alaga ay halos magkaparehas.
Sinabi rin ng AFCD sa isang pahayag, “The (gene) sequence results indicate that the virus likely spread from the infected persons and subsequently infected the dog.”
Ayon naman sa World Health Organization (WHO), ang nasabing aso ang kaisa-isang canine na tinamaan ng nakamamatay na sakit.
Sinabi pa ng WHO: “While there has been one instance of a dog being infected in Hong Kong, to date, there is no evidence that a dog, cat or any pet can transmit COVID-19. COVID-19 is mainly spread through droplets produced when an infected person coughs, sneezes, or speaks. To protect yourself, clean your hands frequently and thoroughly.”
Sa kabilang banda, may ilang aso rin ang na-quarantined ngayong buwan sa Hong Kong. Ang isang aso ay pagmamay-ari ng pangalawang coronavirus patient na nag-negatibo sa nasabing virus at muling susuriin bago payagang makalabas.
Source: Dailymail.co.uk
COMMENTS