Supportive na Kuya, Ginawan ng Gown ang Bunsong kapatid para sa kanyang JS Prom.

Una munang iginuhit ni Maverick ang disenyo ng gown na naaayon sa gusto ng kanyang kapatid at sa tema na rin ng prom. Ang mga kulay na royal blue at puti ang napili nilang kulay upang ipares sa gagawing gown. Pagkatapos, bumili na sila ng kakailanganing mga materyales.

Credits: Maverick Francisco Oyao


Isa sa pinakakaabang-abang na kaganapan sa high school life ng bawat estudyante ay ang pagkakaroon ng JS Prom. Dito makikita ang mga magagandang dilag at makikisig na binata na talaga nga namang naghanda ng maigi para sa gabing iyon. Idagdag mo pa ang kani-kanilang suot na magagarbong gowns at tuxedo.

Subalit, kasabay ng pananabik na dumating agad ang gabing magiging prinsipe’t prinsesa ang mga estudyante kahit pansamantala lang, ay una munang proproblemahin kung saan makakukuha ng pera na siyang gagamitin upang makahanap ng mga damit na isusuot.

Para ma-solve ang ganitong suliranin, ibinahagi ni Maverick Francisco Oyao sa kanyang Facebook account ang ginawa niyang paraan upang magkaroon ng gown ang kanyang bunsong kapatid para sa JS Prom nito. 








Una munang iginuhit ni Maverick ang disenyo ng gown na naaayon sa gusto ng kanyang kapatid at sa tema na rin ng prom. Ang mga kulay na royal blue at puti ang napili nilang kulay upang ipares sa gagawing gown. Pagkatapos, bumili na sila ng kakailanganing mga materyales.

Sunod dito, gumawa siya ng pattern at ginupit ang mga tela bago niya unti-unting nabuo ang pinaka-palda ng gown. Nagtulungan sila ng kanyang kapatid sa mano-manong paglalagay ng kaliit-liitang detalye at sa pagbuo ng iba pang parte. Pinintahan naman ng kulay asul ang bahaging baywang ng pang-itaas na parte ng gown para magkaroon ng tila ombré effect. Sa may bahaging balikat naman, nilagyan nila ito ng agaw-pansing palamuti na nagmimistulang pakpak.

Natapos ni Maverick ang gown sa loob lamang ng halos isang linggo, eksakto bago ang prom ng kanyang kapatid. 


Sumapit na ang pinakahihintay na gabi at proud na proud na isinuot ng kanyang bunsong kapatid ang gown na pinaghirapang gawin ng kanyang pinakamamahal na kuya. Panay ang kuha nila ng litrato at ayon sa bunso ng pamilya, hindi man niya nakuha ang “Best Dress Award” ay para na rin siyang nagwagi dahil suot niya ang gown na ginawa mismo ng kanyang nakatatandang kapatid. 


Akala nga ng iba’y isa siyang designer. Subalit, nilinaw ni Maverick na hindi siya designer; bagkus ay isa rin siyang estudyante na kumukuha ng kursong Bachelor of Culture and Arts Education. Limitado ang kanyang kaalaman sa paggawa ng gown ngunit hindi ito naging hadlang upang mapaligaya ng lubos ang nakababatang kapatid. Dahil dito’y marami ang humanga sa pagmamahal na kanyang ipinakita.

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Supportive na Kuya, Ginawan ng Gown ang Bunsong kapatid para sa kanyang JS Prom.
Supportive na Kuya, Ginawan ng Gown ang Bunsong kapatid para sa kanyang JS Prom.
Una munang iginuhit ni Maverick ang disenyo ng gown na naaayon sa gusto ng kanyang kapatid at sa tema na rin ng prom. Ang mga kulay na royal blue at puti ang napili nilang kulay upang ipares sa gagawing gown. Pagkatapos, bumili na sila ng kakailanganing mga materyales.
https://1.bp.blogspot.com/-76UAP_11tLo/XnaW5x2Q7PI/AAAAAAAAB_E/Gn_Ry9TKXCMSTnSlZ0pZiEoojxgD0SX1QCNcBGAsYHQ/s1600/Untitled%2Bdesign%2B%252822%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-76UAP_11tLo/XnaW5x2Q7PI/AAAAAAAAB_E/Gn_Ry9TKXCMSTnSlZ0pZiEoojxgD0SX1QCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252822%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/03/supportive-na-kuya-ginawan-ng-gown-ang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/03/supportive-na-kuya-ginawan-ng-gown-ang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy