Cute na video ng dalawang Penguin na malayang namamasyal sa isang Aquarium dahil walang mga Tao.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang mga balita at nakatatakot na mga kuwento tungkol sa coronavirus pandemic, dalawang penguin ang nagbigay ng saya at nagpagaan ng loob sa mga netizens na naka-quarantined sa kani-kanilang tahanan!

Credits: Dailymail.co.uk

Sa kabila ng kaliwa’t kanang mga balita at nakatatakot na mga kuwento tungkol sa coronavirus pandemic, dalawang penguin ang nagbigay ng saya at nagpagaan ng loob sa mga netizens na naka-quarantined sa kani-kanilang tahanan!

Sina “Edward” at “Annie,” dalawang rockhopper penguins na nakatira sa Shedd Aquarium sa Chicago, ay tila naging “viral stars” matapos silang kuhanan ng video ng isang staff sa nasabing tourist attraction habang nag-iikot at nagliliwaliw sa loob ng kanilang pasilidad. Ang nasabing lugar ay nai-shut down sa publiko noong Biyernes.

Sa “adorable clip” na pinusuan at shinare ng mga netizens sa Facebook, na mayroon nang 1.6 million views, makikita ang dalawang penguin na nagwa-waddle at gumagawa pa ng iba’t ibang exbitions. Tinitingnan din nila ang ilang mga isda sa kanilang tanks, at nag-i-strutting pa o naglalakad sila “confidently” sa main entrance ng kanilang aquarium!

“This morning, Edward and Annie explored the rotunda,” paliwanang sa caption ng nasabing video.

Dagdag pa ng pamunuan ng nasabing aquarium, “They are bonded pair of rockhopper penguins, which means they are together for nesting season. Every spring is nesting season for the penguins here at Shedd, and this year is no different!”

Sa nasabing video clip, makikita ang dalawang ibon na “masayang” nagliliwaliw sa loob ng empty building, nananatiling magkasama habang sila ay nag-e-explore, na siyang nagbigay naman sa kanila ng tiyansa na makakilala pa ng iba pang anyo ng wildlife na kasama rin nilang nakatira sa aquarium.

“Without guests in the building, caretakers are getting creative in how they provide enrichment to animals, introducing new experiences, activities, foods and more to keep them active, encourage them to explore, problem-solve and express natural behaviors,” ani ng spokesperson ng Shedd Aquarium.

Umani ang “happy video” ng mga “sweet” comments mula sa mga viewers. Nagpapasalamat din ang maraming tao sa mga aquarium staffers dahil nagbigay daw sila ng kasiyahan at nagpalubag sa loob ng mga tao habang nakararanas ng mga ganitong problema.

“This is awesome!” sulat ng isang netizen. Dagdag pa niya, “Great way to take advantage of a bad situation with the coronavirus outbreak.”

Sabi naman ng isa, hinihiling daw niya na makapag-explore out pa ang iba pang “cute” zoo animals sa labas ng kanilang habitats, tulad daw nina Edward at Annie. Nagpapasalamat din daw siya pag-share ng video na ito dahil masaya raw sila ng kaniyang anak na babae na panoorin ito at “cool” daw na i-share ito sa kaniyang anak habang naka-self-quarantined sa loob ng kanilang tahanan.

Nag-request pa ang isang netizen na magkaroon pa ng ganitong content ang mga susunod na videos. Sabi niya, “More penguin vids, and throw is some otters!” Pinasalamatan din niya ang pamunuan ng aquarium.

“Thank you so much for sharing these! Please keep them coming! A much needed bright spot with everything else going on in the world,” ani pa ng isang netizen.

Hindi lamang sina Edward at Annie ang mga penguins na nabibigyan ng “starring role” sa Facebook page ng Shedd Aquarium. Noong Linggo lamang, nag-share ulit ng video ang mga staffers ng aquarium ng isa pang penguin sa kanilang pasilidad, si “Wellington,” na nabigyan anman ng pagkakataon na i-explore ang Amazon exhibit.

Credits: Dailymail.co.uk


“Penguins in the Amazon?! Some of the penguins went on a field trip to meet other animals at Shedd. Wellington seemed most interested in the fishes in Amazon Rising!” sabi ng caption ng bagong video.

“The black-barred silver dollar also seemed interested in their unusual visitor.”

Siniguro naman ng mga staffers na magkakaroon pa ng mas marami pang footage at maglalabas pa sila ng mas maraming video content sa mga susunod na linggo.

“Next week, penguins, including Edward and Annie, will begin to build their nests,” pahayag ng isa sa kanilang mga caption. “You’re invited to digitally join us for the ensting coverage!” 

Credits: Dailymail.co.uk

Sabi ng Shedd Aquarium, sa kasalukuyan daw ay magshe-share raw sila ng iba pang animal activities, at babalik din daw si Wellington! Kung “strange time” raw ang panahong ito para sa mga tao, pangkaraniwang araw lamang daw ang mga ito para sa mga penguins at iba pang hayop sa Shedd.

“Our caregivers are constantly providing new activities, experiences, food and more to allow the animals to express natural behaviors - even if that includes simply exploring. Let us know what penguin activities you want to see!”



COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Cute na video ng dalawang Penguin na malayang namamasyal sa isang Aquarium dahil walang mga Tao.
Cute na video ng dalawang Penguin na malayang namamasyal sa isang Aquarium dahil walang mga Tao.
Sa kabila ng kaliwa’t kanang mga balita at nakatatakot na mga kuwento tungkol sa coronavirus pandemic, dalawang penguin ang nagbigay ng saya at nagpagaan ng loob sa mga netizens na naka-quarantined sa kani-kanilang tahanan!
https://1.bp.blogspot.com/-BrHMR5tb1S4/XnaPBc0jcaI/AAAAAAAAB-k/SGoLxtW90Jgs0iGaT1SFT238EtkqGrQlQCNcBGAsYHQ/s1600/1.JPG
https://1.bp.blogspot.com/-BrHMR5tb1S4/XnaPBc0jcaI/AAAAAAAAB-k/SGoLxtW90Jgs0iGaT1SFT238EtkqGrQlQCNcBGAsYHQ/s72-c/1.JPG
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/03/tignan-cute-na-video-ng-dalawang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/03/tignan-cute-na-video-ng-dalawang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy