Transformation ni ‘Kuya Escort’ Ion Perez, hinangaan ng Madlang People!

Karismang nakaaagaw-pansin. Itsurang tinitilian ng madla. – ‘Yan ang katangiang hinangaan kay “Kuya Escort” Ion Perez.

Source: perezion27_ / IG

Karismang nakaaagaw-pansin. Itsurang tinitilian ng madla. – ‘Yan ang katangiang hinangaan kay “Kuya Escort” Ion Perez.

“Si Ion po ay isang simpleng mamamayan,” pakilala niya sa kaniyang sarili sa isang programa ng ABS-CBN, ang “Tonight with Boy Abunda.” Mula sa kaniyang debut sa programang “It’s Showtime” bilang “Kuya Escort,” dagling napansin ng host na si Vice Ganda at ng madlang people ang angking kagwapuhang taglay ng binata. At, binunyag ni Perez na ginagamit niya na ang taglay niyang hitsura bilang kaniyang “asset” mula pa noong siya ay bata pa.

Inilahad niya na noong bata pa lamang daw siya, tinutulungan niya raw ang kaniyang ina na magbenta ng ilang pangkaing pangmeryenda. Minsan pa nga raw ay may mga taong bumibili ng lahat ng kanilang paninda dahil sa kaniyang kagwapuhan. 

 Source: perezion27_ / IG


“Minsan may bibiling isa pero ‘pag napansin nila ko uubusin na nila,” paglalahad pa niya.

Ngunit kahit raw proud siya sa kaniyang hitsura, naging biktima rin daw siya noon ng bullying. Noong freshman daw siya noong high school, wala raw siyang pakialam tungkol sa panlabas na hitsura. Subalit may dalawang babae raw ang pumuna sa kaniya.

“Sinabihan nila ako ng, ‘Ano ba ‘tong batang ‘to, bukod sa pangit na, ang baho-baho pa.”

Imbes dawn a makaramdam ng hiya, ginamit niya raw ang mga salitang ito bilang motibasyon na magkaroon ng “better version” ang kaniyang sarili.

Muli niya raw nakita ang dalawang babae sa isang basketball court. Kasama raw ng mga ito ang isa sa kaniyang mga pinsan. Kuwento pa ni Perez, nais raw malaman ng dalawang babae ang kaniyang pangalang. Ngunit, ibinunyag raw ng kaniyang pinsan, “’Yan ‘yong batang binully n’yo.” Dahil dito, bigla na lamang daw umali ang dalawang nasabing babae.

Mula noon, mas lalo pa raw tumaas ang confidence niya sa kaniyang sarili. Hanggang isang araw ay kimukumbinse na raw siya ng isa sa kaniyang mga kaibigan na sumali sa mga pageants. Makalipas daw ang tatlong taon, nakumbinse na rin daw siya ng kaibigan niyang ito na sumali sa Mister Universe, isang kilalang international pageant. 

 Source: perezion27_ / IG


At dito, napagtanto ni Perez, “Kaya ko pala makipagsabayan sa ibang nasyon.” 

Ngayon, masayang-masaya ang madlang people na tanggapin siya sa “It’s Showtime” family na puno ng pagmamahal. Lahat ay humahanga sa kaniyang pagkatao at sa kung hanggang saan na ang narating ng kaniyang karera.

Maaari niyong i-check out ang mga throwback photos ni Ion at tingnan kung paano niya binigyang kahulugan ang “revenge body!”

Credits: perezion27_ / IG

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Transformation ni ‘Kuya Escort’ Ion Perez, hinangaan ng Madlang People!
Transformation ni ‘Kuya Escort’ Ion Perez, hinangaan ng Madlang People!
Karismang nakaaagaw-pansin. Itsurang tinitilian ng madla. – ‘Yan ang katangiang hinangaan kay “Kuya Escort” Ion Perez.
https://1.bp.blogspot.com/-iDsYKXdn_18/XnTonRJmmiI/AAAAAAAAB-M/YYbLEecfDTQQmXcKrdnH7FGy8cXa069EwCNcBGAsYHQ/s1600/BEFORE%2Band%2BAFTER.png
https://1.bp.blogspot.com/-iDsYKXdn_18/XnTonRJmmiI/AAAAAAAAB-M/YYbLEecfDTQQmXcKrdnH7FGy8cXa069EwCNcBGAsYHQ/s72-c/BEFORE%2Band%2BAFTER.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/03/transformation-ni-kuya-escort-ion-perez.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/03/transformation-ni-kuya-escort-ion-perez.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy