Walang mayaman o mahirap, Lahat pwede tumulong kung gugustuhin. - Nanay

"may matandang lumapit sa tapat ng isang bahay. Aakalain mo raw siyang manghihingi ng tulong ngunit sa halip, siya raw mismo ang mamimigay."

Source: ScrambleVideos / Facebook


Tuwing nakararanas ang isang tao ng problema, hindi maiiwasan na maging malungkot ito o kaya naman ay isiping wala na silang pag-asa sa buhay. Subalit, sadyang kakaiba ang katangian ng isang Pilipino.

Sa kabila ng lahat ng unos na kinakaharap ng isang Pilipino, nagagawa pa rin nilang ngumiti. Sa kabila ng lahat ng problemang dumadaan sa buhay ng isang Pilipino, nakukuha pa nilang tumawa. At kahit pa medyo nahihirapan sa katayuan ng kanilang buhay, nagagawa pa rin nilang tumulong sa kanilang kapuwa.

At ito ang pinatunayan ng isang matandang nag-viral matapos namahagi ng kaniyang mga biyaya sa iba. Sa kabila ng banta ng corona virus disease – 2019 (COVID-19), namayani pa rin ang pagtulong ng matanda sa kaniyang kapuwa.

Sa isang Facebook (FB) post ng isang FB page na may pangalang “ScrambleVideos,” sinabi sa caption na may matandang lumapit sa tapat ng isang bahay. Aakalain mo raw siyang manghihingi ng tulong ngunit sa halip, siya raw mismo ang mamimigay. 



Makikita sa mga larawang ipinost ng nasabing page ang isang matanda na may bitbit na dalawang lalagyan. Naglalaman ang nasabing mga lalagyan ng mga tinapay na marahil ay binili niya rin upang ipamahagi sa mga taong naka-home quarantine sa kasalukuyan. Tig-tatatlong tinapay ang ibinibigay niya ayon sa mga larawang ipinost.

Hindi man nabanggit ang pangalan at lugar kung saan nakatira ang nasabing matanda, sinabi raw niyang hindi raw dahil mahirap ang isang tao ay hindi na makapagbibigay sa kaniyang kapwa – lahat daw kasi ng mayroon sa isang tao habang siya ay nabubuhay ay hindi niya raw kailanman madadala kapag dumating na ang araw ng kaniyang pamamaalam sa mundo. Nagpasalamat pa ang admin ng FB page sa matanda.

Hinangaan naman ng mga netizens ang mabuting gawa na ipinakita ng matanda.

Sabi ng isang netizen, “Keep safe po, ‘Nay. Napakabuti niyo po. God bless.”

Ani naman ng isa, saludo raw siya sa matanda at sana’y maging halimbawa siya sa lahat ng mga tao na kahit daw mahirap, ang pangunahing layunin daw sa buhay ay ang tumulong sa kapuwa.

“Wow! Saludo ako kay Lola, naibahagi pa niya kung ano’ng meron siya. Sana all, kagaya niya,” pahayag pa ng isa.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang higit apat na libong reacts at halos isang libong shares ang nasabing post.

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Walang mayaman o mahirap, Lahat pwede tumulong kung gugustuhin. - Nanay
Walang mayaman o mahirap, Lahat pwede tumulong kung gugustuhin. - Nanay
"may matandang lumapit sa tapat ng isang bahay. Aakalain mo raw siyang manghihingi ng tulong ngunit sa halip, siya raw mismo ang mamimigay."
https://1.bp.blogspot.com/-uIzPYt5cPVw/XnuxEA9975I/AAAAAAAACD0/xZLo79pquwMawIZoc8R8bwS711nLfya4ACNcBGAsYHQ/s1600/Untitled%2Bdesign%2B%252828%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-uIzPYt5cPVw/XnuxEA9975I/AAAAAAAACD0/xZLo79pquwMawIZoc8R8bwS711nLfya4ACNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252828%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/03/walang-mayaman-o-mahirap-lahat-pwede.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/03/walang-mayaman-o-mahirap-lahat-pwede.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy