Alamin: Mga artistang may kaugnayan sa isa´t isa!

Alamin: Mga artistang may kaugnayan sa isa´t isa!

Mga Larawan mula sa Facebook

Hindi maikakailang napakaraming mga artista ang nakikilala dahil sa pangalang kanilang dinadala – ang karamihan sa kanila ay nanggagaling talaga sa mga angkan ng mga beterano at bigating mga pamilya sa showbiz. Ang iba naman ay gumagawa ng kanilang sariling tatak sa pamamagitan ng kanilang itsura o kaya naman ay talento.

Subalit, paano kung magkakamag-anak pala ang mga ito?
            
Halina’t kilalanin natin ang mga personalidad na lingid sa kaalaman ng lahat ay may kaugnayan pala sa isa’t isa.
            
Una sa listahan ang komedyanteng si Ai Ai Delas Alas at ang “Asia’s Songbird” na si Regine Velasquez. Hindi alam ng karamihan na sila ay “cousins-in-law.” Sa kasalukuyan, iniwan ni Velasquez si Delas Alas bilang Kapuso upang magtrabaho naman sa Kapamilya network.
            
Larawan mula sa Filipino Guide

Sa isang episode ng ABS-CBN show na “Magandang Buhay,” inamin naman ng reporter na si Gretchen Fullido at ng aktor na si Marco Gumabao na sila ay magpinsang buo! Dati namang naugnay sa isang conflict si Fullido sa kaniyang dating boss sa ABS-CBN.
            
Larawan mula sa Philnews.ph

Ibinunyag naman ni Antonio Aquitania, former “Bubble Gang” actor sa GMA network, na first cousin niya ang sikat na aktor na si Daniel Padilla. Ang huling pelikula ni Padilla na “The Hows of Us” ang isa sa mga “highest grossing Filipino film of all time.”
            
Larawan mula sa The Daily Feeds

Ayon naman sa GMA-7 Entertainment, related din si Paolo Ballesteros at ang beteranang aktres na si Eula Valdes. Ang auntie raw kasi ni Valdes ay lola naman ni Ballesteros.
            
Larawan mula sa phunu9.net

Larawan mula sa PUSH

Lingid rin sa kaalaman ng lahat na magkaugnay din ang aktres na si Lorna Tolentino at ang singer na si Zsa Zsa Padilla. Sila ay magpinsan.
            
Larawan mula sa phunu9.net

Ang mga aktres din na sina Susan Roces at Sheryl Cruz ay may kaugnayan din sa isa’t isa. Hindi alam ng lahat ng tao na auntie ni Cruz ang beteranang aktres.
           
Larawan mula sa Bandera

Half-siblings naman sina Sid Lucero at Andi Eigenmann. Ang kanilang ama kasi ay si Mark Gil. Si Jaclyn Jose ang ina ni Eigenmann habang si Bing Pimentel naman ang ina ni Lucero.
            
Larawa mula sa Pinoy Parazzi

May kaugnayan din sina Dingdong Dantes, Arthur Solinap at Carlo Gonzales. Silang tatlo ay magpipinsan.
            
Larawan mula kay artursolinap

Hindi namang maipagkakaila na related sa isa’t isa ang magagaling na mga artistang sina Maja Salvador at Philip Salvador! Tiyuhin ni Maja si Philip sapagkat kapatid siya ng ama ng aktres.
            
Larawan mula sa The Daily Feeds

At panghuli, sina Maine Mendoza at Coco Martin ay malayo palang magkamag-anak! Nalaman lang din daw nila ang tungkol dito nang magkaroon sila ng family reunion.
            
Larawan mula sa showbizchika.net

Larawan mula sa msn.com

Talaga nga namang nananalaytay sa dugo ng mga artistang ito na magkakamag-anak pala ang kanilang looks at talents! At kahit magkakaiba man sila ng mga tinatahak na karera ay nakatatak pa rin sa kanila na sila ay magkakapamilya.



source: mostrendingph

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Alamin: Mga artistang may kaugnayan sa isa´t isa!
Alamin: Mga artistang may kaugnayan sa isa´t isa!
Alamin: Mga artistang may kaugnayan sa isa´t isa!
https://1.bp.blogspot.com/-4pVDQ9Pc1P4/XqC9zt5XSKI/AAAAAAAADSI/2RV5dgff_4IeFgGw_lI24gtg1HB5BjUxACNcBGAsYHQ/s1600/Untitled%2Bdesign%2B%25283%2529.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-4pVDQ9Pc1P4/XqC9zt5XSKI/AAAAAAAADSI/2RV5dgff_4IeFgGw_lI24gtg1HB5BjUxACNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%25283%2529.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/04/alamin-mga-artistang-may-kaugnayan-sa.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/04/alamin-mga-artistang-may-kaugnayan-sa.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy