Ang Kwento sa likod ng biglaang pagkawala ni Rico Yan

Si Rico Yan, o Ricardo Carlos Castro Yan sa totoong buhay, ay ipinanganak noong March 14, 1975. Isa siyang sikat na modelo, film at television actor, host, spokesperson at isa ring entrepreneur. Nagmula siya sa isang may-kayang pamilya at angkan ng mga sundalo at mga negosyante.


Mga larawan ay mula sa Google
            
Gaano man kasikat ang isang artista, hindi pa rin maiiwasang maiugnay sa mga kuwentong bayan at iba pang haka-haka ang istorya sa likod ng kanilang pagp@naw.

At isa na nga rito ang isa sa mga pinakasikat na matinee idol noong late 90s – ang nag-iisang si Rico Yan.
            
Larawan ay mula sa Google


Si Rico Yan, o Ricardo Carlos Castro Yan sa totoong buhay, ay ipinanganak noong March 14, 1975. Isa siyang sikat na modelo, film at television actor, host, spokesperson at isa ring entrepreneur. Nagmula siya sa isang may-kayang pamilya at angkan ng mga sundalo at mga negosyante.
            

Mga larawan ay mula sa Google

Noong una raw ay hindi naman ganoon kaingay ang buhay ni Rico. Subalit nang minsan siyang pumila sa isang fast food chain ay nadiskubre siya ng isang talent scout. Inalok siyang mag-audition para sa isang gagawing TV commercial. Hindi man daw agad na nahikayat, tumuloy pa rin daw si Rico at dito na nga raw nagtuloy-tuloy ang kaniyang karera sa showbiz industry.
            
Larawan ay mula sa Google


Lumabas muna sa ilang commercial at ilang programa sa telebisyon si Rico bago nabigyan ng mga bigger roles. Ilan sa mga ito ay ang pagganap niya bilang “Ricky Salveron” sa programang “Gimik.” Mas lalo pa raw lumawak ang popularidad ng aktor nang gumanap siya bilang si “Derrick Gonzales” sa programang “Mara Clara” na pinagbidahan ng “Queen of Filipino Soap Opera” na si Judy Ann Santos. Marami pang mga programa ang pinagbidahan nina Yan at Santos na talaga nga namang tinangkilik ng masa.
            
Larawan ay mula sa Google

At ang hindi malilimutang pagganap niya noong 90s bilang si “Gabriel Maglayon” sa primetime na “Mula sa Puso” at bilang “Daniel Pineda” sa programang “Saan Ka Man Naroroon,” katambal ang kaniyang love interest na si Caludine Barretto. Dahil nga patok na patok ito, nagkaroon pa sila ng pelikulang pinamagatang “Mula sa Puso: The Movie.” Matapos nito ay sunod-sunod na ang pagbubukas ng mga oportunidad para sa aktor.
            
Mga larawan ay mula sa Google


Bukod sa pagiging aktor ay nakilala rin si Rico sa pagbuo at pakikisapi niya sa iba’t ibang foundations, partikular na sa pagtulong sa kabataan. Naging spokesperson din ang matinee idol ng Department of Education in Culture and Sports. Naging aktibo rin siya sa pagbibigay ng serbisyo-publiko at naging parte rin daw ng ilang non-profit organizations.
            
Mga larawan ay mula sa Google


Subalit kahit na gaano pa sumikat ng sumikat ang isang artista, hindi pa rin niya maiiwasan ang oras na itinakda. Sa kasamaang palad ay maagang pum@naw si Rico.
            
Noong March 29, 2002, natagpuang wala nang buhay ang aktor sa kaniyang hotel room sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa City, Palawan. Holy week daw noon kaya nagkakayayaan silang magbabarkada na lumabas, kasama na nga ang kaibigan niyang si Dominic Ochoa na siyang nakadiskubre sa sinapit ng aktor. Sa kabilang kuwarto raw natulog si Rico dahil malakas daw itong humilik. Kinabukasan, nang gigisingin na nga raw sana ni Ochoa ang kaibigan ay nalaman na nga niyang “lifeless” na ang katawan ng binata.
            
Nang umabot nga raw ang balita sa kaniyang noon ay katambal at ex-girlfriend na si Claudine, kailangan pa raw nila itong i-sedate para kumalma. Ilang linggo pa lamang daw kasi ang lumipas nang pumutok ang balita ng kanilang hiwalayan ngunit ayon daw kay Claudine ay nakapag-usap sila ni Rico na aayusin nilang dalawa ang kanilang relasyon.
            
Larawan ay Mula sa Google


Ayon sa mga ulat, nam@tay ang aktor dahil sa acute hemorrh@gic p@ncreatitis. Subalit, maraming mga kuwento ang kumalat sa kung ano nga ba ang totoong sinapit ng naturang matinee idol.
            
Una na nga rito ay ang “suic!de.” Dahil nga raw kagagaling ni Rico sa heartbreak dahil sa hiwalayan nila ni Claudine, ito raw ang sanhi ng kaniyang pagkawala. Tumagal ang dalawa ng apat na taon at isa sa mga “tough love teams” noong 90s, kaya naman daw ay hindi naging madali para kay Rico ang nangyari sa kanilang dalawa. Hati naman ang opinyon dito ng mga tagahanga dahil halata naman daw sa mga interview ang bakas ng matinding kalungkutan ng aktres. Sinabi pa nga raw ni Claudine na nag-usap na raw sila ng aktor.
            
Naisangkot din ang “dr*gs” sa pagkam@tay ng aktor. Dahil nga raw nanggaling sa isang party noon si Rico ay nakagamit daw ito ng dr*gs. Ang isa raw nitong kaibigan ay nagdala ng dr*gs na may matinding epekto. Ayon umano sa isang talk show host, puro magagandang ginawa lamang daw ni Rico ang ipinalabas. Kinuwestiyon pa raw ng nasabing host kung may nagawang mali ang aktor upang hindi na raw tularan pa ng mga kabataan. Sinabi pa niya baka raw dinuktor ang autopsy sa mga labi ni Yan at sinabing acute hemorrhagic pancreatitis ang sanhi ng pagkam@tay nito, imbes daw na “dr*g overdose.”
            
Ang kuwentong ito ay umani ng malaking kontrobersya na siyang hindi naman nagustuhan ng pamilya ni Rico. Ayon din sa mga nakakakilala sa aktor, hindi raw nito magagawang mag-dr*gs dahil nga mabuti ang kaniyang mga ginagawa at kaisa pa raw si Rico sa kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot. May kredibilidad din daw itong pinanghahawakan at ilang beses pa raw siyang naging parte ng ilang foundation tungkol sa welfare ng kabataan, kaya malabo raw na mag-take ito ng dr*gs. Ayon pa raw sa iba pang showbiz insiders, proud na proud daw ang aktor dahil kahit kailan ay hindi raw nakagagamit ng dr*gs.
            
Ikinasama rin ito ng loob ng kaibigan ni Rico na sinasabing nagdala umano ng ecst@sy. Itinanggi niyang hindi sila gumamit noon ng ipinagbabawal na gamot. May mga kumakalat kasing text messages noon tungkol sa dr*gs na t-in-ake umano ng aktor na siyang naging sanhi ng pagkamatay nito.
            
At ang ikatlo ay ang hemorrh@gic p@ncreatitis o ang b@ngungot. Sa lahat daw ng kumalat na kuwento sa likod ng pagpanaw ng aktor, ito raw ang pinakatinanggap. Nang sinundo raw ng pamilya ang mga labi ni Rico ay dinala ito sa Crame. Ayon sa police report, hemorrh@gic p@ncreatitis o b@ngungot na nagresulta sa cardiac arrest ang ikinam@tay ng aktor. Naparami raw kasi si Rico ng pagkain ng seafood at isama pa raw ang alak na nainom nito noong gabing iyon, kaya namaga raw ang pancreas nito. Samakatuwid, ito raw ang pagtulog na labis ang kabusugan na siyang nagdulot ng komplikasyon – at ang resulta ay ang hindi inaasahang pagkawala ng aktor.
            
Sampung taon matapos ang pagpanaw ng naturang aktor, ipinaliwanag ng mga eksperto ang dahilan ng pagpanaw nito. Ang acute hemorrh@ge p@ncreatitis ay dahil daw sa pagtulog nito ng busog. Ngunit ayon sa paglilinaw ni Dr. Gizelle Gervacio, cardiologist at electro sociologist sa St. Luke’s Medical Center, hindi naman daw konektado ang b@ngungot sa pancreatic system. Puso raw talaga ang pinanggagalingan ng b@ngungot. Dito raw kasi bumibilis ang pagtibok ng puso na siyang nagdudulot ng cardiac arrest dahil 60 to 100 per minute ang normal na heartbeat; sa ilang kaso raw ay umaabot na ito hanggang 300. Nagdudulot na raw ito ng cardiac arrest dahil sa sobrang bilis ng heartbeat – hindi na raw ito nakakayanan ng puso.
            
Dagdag pa raw ng doktor, kung babalikan daw ang “history” ng b@ngungot, karamihan daw sa mga taong nabab@ngungot ay dahil daw nakainom sila.
            
Kahit ano pa man ang dahilan sa likod ng pagkam@tay niya, hindi maitatangging isa si Rico Yan sa may malaking naiambag sa showbizness – hindi lang dahil sa kabutihang ipinakita niya kung hindi ay pati na rin sa talentong ibinahagi niya sa industriya.



source: K.R.A Stories

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Ang Kwento sa likod ng biglaang pagkawala ni Rico Yan
Ang Kwento sa likod ng biglaang pagkawala ni Rico Yan
Si Rico Yan, o Ricardo Carlos Castro Yan sa totoong buhay, ay ipinanganak noong March 14, 1975. Isa siyang sikat na modelo, film at television actor, host, spokesperson at isa ring entrepreneur. Nagmula siya sa isang may-kayang pamilya at angkan ng mga sundalo at mga negosyante.
https://1.bp.blogspot.com/-whVPLysbEhY/XqW02DFtfJI/AAAAAAAADtU/mnjulOcNWGgdkFqWqzX4fyX3qY6PTxzFwCEwYBhgL/s1600/Rico-Yan-main.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-whVPLysbEhY/XqW02DFtfJI/AAAAAAAADtU/mnjulOcNWGgdkFqWqzX4fyX3qY6PTxzFwCEwYBhgL/s72-c/Rico-Yan-main.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/04/ang-kwento-sa-likod-ng-biglaang-pagpnaw.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/04/ang-kwento-sa-likod-ng-biglaang-pagpnaw.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy