Mabilis mag-isip, magaling magpatawa at may damdaming nakaaantig ng iba – ‘yan si Vice Ganda!
![]() |
Source: praybeytbenjamin |
Isa sa pinakasikat na artista sa kasalukuyan ang komedyanteng si Vice Ganda. Patunay rito na kahit na Pangulo at Bise-Presidente ng Pilipinas ay nakukuha pang bumati sa kaniya sa araw ng kaniyang kaarawan. Pumapangalawa rin siya sa kaniyang “bestfriend” na si Coco Martin na may “highest endorsement value among all Filipino celebrities.” Subalit paano nga ba niya narating ang tagumpay na tinatamasa niya sa kasalukuyan?
Source: praybeytbenjamin
Source: praybeytbenjamin
Lingid sa kaalaman ng lahat, nanggaling din sa hirap ang komedyante bago nakilala bilang si “Vice Ganda.”
Ipinanganak noong March 31, 1976 bilang Jose Marie Borja Viceral kina Reynaldo Viceral at Rosario Borja-Viceral, nanggaling si Vice sa mahirap na pamilya sa Tambunting sa Tondo, Manila – isa sa mga pinakamahihirap na lugar sa nasabing lungsod. Ang kaniyang ama, na tubong Batangas, ay isang barangay kagawad subalit binaril ito at napatay noong bata pa lamang siya. Dahil dito, ang kaniyang ina na mula sa San Juan, La Union, ay napilitang mangibang-bansa bilang isang caregiver upang mabuhay at matustusan ang kanilang pamilya.
Source: praybeytbenjamin
Source: praybeytbenjamin
“Tutoy” ang tawag kay Vice ng kaniyang pamilya. Habang lumalaki, itinago niya ang kaniyang “tunay” na pagkatao. Subalit, kahit na hindi pa siya umaamin noon dahil sa takot ay nakatanggap pa rin siya ng pambu-bully mula sa kaniyang mga kapitbahay at ilang kamag-aral. Ngunit, salamat daw sa isa sa kaniyang naging guro na nagsabi sa kaniyang maging matatag at ipagpatuloy ang pagtupad niya ng kaniyang mga pangarap kahit anuman ang mangyari. Nag-aral daw ng mabuti si Vice at aktibong sumali sa mga literary-musical events. Mula sa extra-curricular activities na ito, nahasa raw ang kaniyang singing and speaking skills.
Source: praybeytbenjamin
Source: praybeytbenjamin
Mula grade three hanggang second-year college, sinuportahan si Vice ng isang Japanese na nagngangalang Noriko Tokura na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakikita. Kahit hindi man nakatapos ng kolehiyo na may kursong Political Science sa Far Eastern University sa Manila, sinusubukan niya pa ring hanapin ang estrangherong tumulong sa kaniya upang magpasalamat.
Sa isang partikular na episode ng kaniyang noontime show na “It’s Showtime,” pumili siya ng isang babae na susuportahan niya bilang kaniyang scholar. Ang kaniyang rason: nais niyang ibalik kung anuman ang natanggap niya mula sa naturang Japanese citizen.
Source: praybeytbenjamin
Source: praybeytbenjamin
Dahil sa kaniyang singing at hosting talent, nagtrabaho si Vice bilang isang singer at stand-up comedian matapos lisanin ang pag-aaral. Maliit daw ang kinikita niya mula rito subalit nakatatanggap naman daw siya ng mga “tip” mula sa mga customer na nakaka-appreciate sa kaniyang performance. Hanggang isang araw, nanonood ang talent scout na si Ogie Diaz na natuwa sa kaniya at nagbigay ng oportunidad upang makapasok sa mundo ng telebisyon.
Source: praybeytbenjamin
Source: praybeytbenjamin
1999 ang masasabing “auspicious year” para kay Vice. Ito ang unang pagkakaton niyang lumabas sa telebisyon, kung saan ginampanan niya ang role na “Antonia” sa isang Judy Ann Drama Special na inere ng ABS-CBN. Sa pareho ring taon, nag-perform siya sa noontime show na “S.O.P.” sa rival network na GMA. Mula noon, nagkakaroon na siya ng mga minor o guest roles sa iba’t ibang programa sa Kapamilya network. Taong 2007 nang naibigay sa kaniya ang kaniyang unang movie project na “Apat Dapat, Dapat Apat” ng Viva Films.
Source: praybeytbenjamin
Source: praybeytbenjamin
Source: praybeytbenjamin
Nakuha rin ni Vice ang kaniyang “first leading role in a film” sa pelikulang “Petrang Kabayo” na ipinalabas noong 2010. Naging box-office hit ito na siyang nagtulak naman sa mga producers na Viva Films at Star Cinema na bigyan pa siya ng sunod-sunod na pelikula “outperforming the previous one in terms of sales ticket.” Noong 2011 naman ay inumpisahan niya ang kaniyang talk show na “Gandang Gabi Vice.”
Matapos ang kaniyang “success” sa telebisyon at sa pelikula, siniguro rin ni Vice na hindi maiiwan ang talento niya sa pagkanta. Sa kasalukuyan, nakapag-release na siya ng apat na albums at nagkaroon na rin siya ng ilang “well-attended” concerts.
Source: praybeytbenjamin
Source: praybeytbenjamin
Source: praybeytbenjamin
Dahil sa mga ito, nakatanggap na ng iba’t ibang awards ang nasabing komedyante. Ilan sa mga ito ay ang “Most Influential Film Actor of the Year,” “Phenomenal Box-Office Star,” “Bert Marcelo Achievement Award for Excellence in Comedy,” Movie Actor of the Year,” at “Best Talk Show Host.”
Tignan ang bahay three-storey house ni Vice sa Quezon City.
Source: praybeytbenjamin
Source: praybeytbenjamin
Source: praybeytbenjamin
Source: praybeytbenjamin
Source: praybeytbenjamin
Source: praybeytbenjamin
At dahil sa kaniyang talento, pagiging “hardworking,” at pagkatuto sa mga pagkakamali at karanasan sa buhay, masasabing nagtagumpay nga si Vice sa pinili niyang karera at naabot niya ang mga bituin na hindi inakalang maaabot niya.
Source: praybeytbenjamin
COMMENTS