Ayudang SAP cash aid sa Bulacan, Kinukuha ni Mayor ayon sa isang Kagawad.

Kagawad sa Bulacan binawi sa mga beneficiaries ang mahigit kalahati ng SAP cash aid, ginamit pa pangalan ng mayor.

Mga larawan ay mula sa video


Sa panahon ngayon, malaki ang naging epekto ng coronavirus sa ating mga buhay. Sa pagkalat ng sakit na ito, tila matatagalan pa muli bago tayo makabalik sa ating mga normal na buhay.

Napakahirap na ng kinakaharap ng ating bansa dahil sa krisis na dulot ng C0VID-19 ngunit marami paring mga tao ang nanamantala dahil inisip nila ay ang kanilang mga pansariling kapakanan na lamang.

Sa Hagonoy, Bulacan kinukuha ang mahigit kalahati sa cash aid ng mga Social Amelioration Program (SAP) beneficiaries.

Mga larwan ay mula sa video


  • Isang Barangay Kagawad ang nagpapapirma sa mga benepisyaryong pumapayag na ibalik ang 3,500pesos mula sa 6,500pesos na kanilang natanggap na ayuda.



  • Base sa video na kumkalat ngayon sa social media ang pera na ibabalik ng mga pumirma ay dadalhin daw sa bahay ni Mayor.



  • Mariing naman itinanggi ito ng mayor na may kinalaman siya sa sinasabing hatian ng emergency cash subsidy sa ilalim ng SAP.


Sa video na ibinahagi sa YouTube, makikita ang nasabing barangay kagawad na kinilalang si Danny Flores na pinapipirma sa isang papel ang mga benepisyaryo ng ayuda na ipinamamahagi ng pamahalaan  sa pamamagitan  ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Batay sa marinig na pag-uusap ng kagawad at ng isang lalaki na kumukuha ng video na humihingi ng paliwanag, sa P6,500 na matatanggap ng mga benepisyaryo mula sa DSWD ay P3,000 na lang ang mapupunta sa kanila dahil kukunin ang P3,500.

Mga larawan ay mula sa video

Pinakiusap ng lalaking kumukuha ng video na kunan ng larawan ang papel na pinapipirmahan sa mga benepisyaryo, at agad naman sinabi ni Kagawad Danny na huwag ng ipost sa social media.

Maririnig din sa video na sinabi ni kagawad na sumama ang lalaking kumukuha ng video sa bahay ni mayor at sya ang makipag-usap mismo ka mayor at kung gusto pa niya ay siya ang maghawak ng mga papel na isasauli kay mayor.

"hindi ko kailangan sumama at makipag-usap kay mayor at lalong wala akong obligasyon sa mga papel na pinapapirmahan niyo" sabi ng lalaking nakuha ng video.

Dagdag niya ay "kung legal naman yang ginagawa niyo kagawad ay wala naman magiging problema kung kukuhanan ko ng larawan o video ang papel na pinapapirmahan niyo."

Maririnig din natin sa video na parang may pagbabanta si Kagawad sa lalaking nakuha ng video. "Malalagay ka lang sa alanganin sa ginagawa mo" aniya.

Isang tinig ng babae ang narinig na nagtanong kay kagawad Danny Flores, “Saan po ba mapupunta ‘yan, kay mayor o kay kapitan?”

Sagot ni kagawad Danny “Hindi alam…walang pakialam si kapitan dito. Kay mayor ito babalik…sa bahay nila,”

Makikita sa video na may mga ilang mga tao na ang nakapirma sa papel na magbabalik ng 3,500pesos.

“Hindi naman dapat na maibalik ‘yan, eh, kasi pera n’yo na ‘yan, eh. Kahit hindi kayo magbalik n’yan walang problema d’yan,” sabi ng lalaking kumukuha ng video sa mga pumirma sa papel.

Ayon naman sa ulat ng GMA, itinanggi umano ito ng alkalde ng Hagonoy na si Mayor Raulito Manlapaz; na labas na siya sa usapan ng barangay na hatiin ang cash aid.

Panoorin natin ang buong detalye sa video:


source: Trending Videos Philippines

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Ayudang SAP cash aid sa Bulacan, Kinukuha ni Mayor ayon sa isang Kagawad.
Ayudang SAP cash aid sa Bulacan, Kinukuha ni Mayor ayon sa isang Kagawad.
Kagawad sa Bulacan binawi sa mga beneficiaries ang mahigit kalahati ng SAP cash aid, ginamit pa pangalan ng mayor.
https://1.bp.blogspot.com/-5aN6KEbWOPU/XqoA3v01WII/AAAAAAAAEBQ/4t6SmKiPVeYjp69Kr0ju4ZiKjefkv_BpwCNcBGAsYHQ/s1600/Untitled%2Bdesign%2B%25285%2529.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-5aN6KEbWOPU/XqoA3v01WII/AAAAAAAAEBQ/4t6SmKiPVeYjp69Kr0ju4ZiKjefkv_BpwCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%25285%2529.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/04/ayudang-sap-cash-aid-sa-bulacan.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/04/ayudang-sap-cash-aid-sa-bulacan.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy