Bagong Music video na "Iisang Dagat" inilabas ng Chinese Embassy

Inilabas ng China embassy noong Biyernes, April 24, ang isang kantang pinamagatang “Iisang Dagat (One Sea)” – na isinulat sa Mandarin at Filipino na siyang nagpapahayag ng partnership sa pagitan ng Pilipinas at ng China na tulungan ang isa’t isa “as friendly neighbors across the sea” habang humaharap ngayon sa coronavirus pandemic.

Source: Chinatown TV

Una, sinubukan nilang angkinin ang West Philippine Sea. Ngayon, sumulat sila ng awitin tungkol dito.

Inilabas ng China embassy noong Biyernes, April 24, ang isang kantang pinamagatang “Iisang Dagat (One Sea)” – na isinulat sa Mandarin at Filipino na siyang nagpapahayag ng partnership sa pagitan ng Pilipinas at ng China na tulungan ang isa’t isa “as friendly neighbors across the sea” habang humaharap ngayon sa coronavirus pandemic.

I-pinost ng China embassy ang halos apat na minutong music video ng naturang kanta sa kani-kanilang mga social media accounts. Nag-umpisa ang nasabing music video sa isang drone shot ng isang city landscape sa Pilipinas at mga kaganapang naranasan ng mga frontliners, health advisories, at mga taong nakasuot ng face masks. 

Source: Chinatown TV

Panimula ng kanta, “Sa lamig ng kahapon, tayo ay hinahamon. Binalot ng dilim, umaasa liwanag ay darating.”


Sunod namang makpapanood sa music video ang mga shots sa isang Chinese city skyline, na sinundan naman ng footage ng China na nagpapadala ng iba’t ibang donasyon sa Pilipinas. Ang mga watawat ng dalawang bansa na hawak-hawak naman ng mga donors at naka-post sa iba’t ibang bagay tulad ng medical equipment at mga sako ng bigas ang sunod namang makikita sa screen, kasabay ng chorus ng kanta na inawit sa Chinese at Filipino:

“Dahil sa iyong pagmamahal na umaagos na parang alon
Hawak kamay tayo’y patungo sa maliwanag na kinabukasan
Ikaw at ako’y nasa iisang dagat
Ang iyong pagmamahal aking kasama
Ang iyong kamay ay hindi ko bibitawan
Maaliwalas na kinabukasan
Ating masisilayan”


Ang “Iisang Dagat” ay isinulat ni Chinese Ambassador to the Philippines na si Huang Xilian. Isinabuhay ito sa pamamagitan ng pag-awit nina Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin; Chinese diplomat na si Xia Wenxin; Jhonvid Bangayan, isang Filipino-Chinese singer; at ang Chinese actor na si Yu Bin mula sa sikat na Chinese drama na “The Untamed.” 

Source: Chinatown TV

Sinabi ng embassy na ang naturang awitin ay iniaalay sa mga frontliners na nag-contribute sa “giyera” laban sa coronavirus sa Pilipinas at sa China, “especially the China Medical Expert Team to the Philippines.”

"China and the Philippines have been supporting and helping each other during the challenge of COVID-19 outbreak, demonstrating a new era partnership of mutual support during trying times and the vision of building a community with a shared future for mankind advocated by the Chinese President H.E. Xi Jinping," pahayag pa ng China embassy.

Tampok din sa naturang music video ang mga “selected messages of support” mula sa mga opisyal ng Pilipinas na pinamumunuan ni Pangulong Rodrigor Duterte, kasama si Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr., Health Secretary Francisco Duque, at si Communications Secretary Martin Andanar.

Ayon pa sa China embassy, “Just as the lyric goes, as friendly neighbors across the sea, China and the Philippines will continue to join hands and make every effort to overcome the COVID-19 at the earliest!"

Noong 10:39 A.M. ng Sabado, matapos ma-i-post ang music video ay umani na ito ng higit 30,000 views sa YouTube, 201 likes, at 17,000 dislikes. 

Source: Chinatown TV

Noong April 22, bago inilabas sa YouTube ang naturang music video, nag-file ang Pilipinas ng dalawang diplomatic protests laban sa China dahil sa paglabag nila sa international law, “as well as the country’s sovereignty in the west Philippine Sea.”

Ang nasabing mga protesta ay tungkol sa February incident na kung saan t-in-arget ng isang Chinese warship ang Philippine Navy ship, at ang pagdeklara kamakailan ng Beijing na parte raw ng Chinese territory ang Kalayaan Group of Islands at ang Scarborough Shoal.

Ayon sa isang report ng Rappler, “Experts have noted China has been aggressively moving to assert its claims in the South China Sea as countries grapple with the coronavirus outbreak, which started in Wuhan, China.”

Kasama ng Pilipinas, binatikos din ng Vietnam at United States ang ginawa ng Beijing.

Sa kabilang banda naman, ayon sa isang ulat ng ABS-CBN, dinepensahan ni Imelda Papin ang kaniyang sarili mula sa mga “backlash” na natatanggap niya dahil sa pagiging parte ng nasabing music video, “which many Filipinos online viewed as an insult.” 

Source: Chinatown TV

Sa kaniyang mensaheng ipinadala sa ABS-CBN News reporter Mario Dumaual, sinabi ng singer na tungkol sa pagkakaisa ang kanta, na wala raw siyang tinanggap na kahit anumang talent fee sa proyekto, at umasa raw siyang makakapagbigay-inspirasyon ito sa mga Pilipino “during these anxious times.”

“Dapat huwag bigyan ng kulay. Kasi mababa ang morale ng tao ngayon . . . Ngayon ang panahon na dapat magkaisa at wala na munang away,” ani Papin.

Naglabas ng pahayag ang singer matapos siyang maging “most talked” ng mga netizens sa Twitter noong Sabado, “and Papin took offense with the posts lambasting her decision to lend her voice to the song.” 


Source: Chinatown TV

Ayon pa rin kay Papin, “Bakit i-criticize ang participation ko? Bakit hindi sila kumibo sa mga tulong na binibigay ng China --doctors, protective equipment, etc.”

Dagdag pa niya, “Bakit ako? I pray for everyone and as Filipinos let us all pray together and healed as one! Hindi ako sumingil kahit isang centavo. For love and unity.”

Narito ang kaniyang buong pahayag.

“Hayaan natin sila ipagdasal ko na lang. Kasi hindi naman ako nag presenta. Ako mismo ang kinuha . . . bilang chosen artist ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian — the composer of the song — at ang message ng song — it's all about unity — awitin ng
pagkakaisa, pagtutulungan at pag asa.

“Dapat huwag bigyan ng kulay. Kasi mababa ang moral ng tao ngayon. Dapat sa pamamagitan ng boses ko ay tumaas mang moral ng ibang tao at makapagbigay-inspirasyon na ngayon ang panahon na dapat mag kaisa wala na munang away.

“Ang title 'Iisang Dagat' para ding isang mundo yan. Bakit i-criticize ang participation ko.

“Bakit hindi sila kumibo sa mga tulong na binibigay ng China —doctors, protective equipment etc. Bakit ako?

“I pray for everyone and as Filipinos let us all pray together and healed as one! Hindi ako sumingil kahit isang centavo.

“For love and unity.” 

Panooring ang video sa baba:

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Bagong Music video na "Iisang Dagat" inilabas ng Chinese Embassy
Bagong Music video na "Iisang Dagat" inilabas ng Chinese Embassy
Inilabas ng China embassy noong Biyernes, April 24, ang isang kantang pinamagatang “Iisang Dagat (One Sea)” – na isinulat sa Mandarin at Filipino na siyang nagpapahayag ng partnership sa pagitan ng Pilipinas at ng China na tulungan ang isa’t isa “as friendly neighbors across the sea” habang humaharap ngayon sa coronavirus pandemic.
https://1.bp.blogspot.com/-AjhPZpXRR8Y/XqVbF0vE8HI/AAAAAAAADrc/Zy9EnM3hj5o8yfqoH2-0uQAZ1JTmoZUfACNcBGAsYHQ/s1600/Untitled%2Bdesign%2B%252887%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-AjhPZpXRR8Y/XqVbF0vE8HI/AAAAAAAADrc/Zy9EnM3hj5o8yfqoH2-0uQAZ1JTmoZUfACNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252887%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/04/bagong-music-video-na-iisang-dagat.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/04/bagong-music-video-na-iisang-dagat.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy