Batang nakatira sa liblib na lugar at takot sa mga Pulis, natuwa sa first Chicken Joy niya.

isang bata ang nakatira sa liblib na lugar ng Ilocos Sur ang nangangarap na makakain sa kilalang fast food chain na Jollibee, ngunit ni kahit isang beses ay hindi pa siya nakakapunta o nakakakain dito.

Source: Črýştàĺ Åľleň

Masaya maging bata. Sa mga panahong ito mararanasan ang mga simpleng bagay tulad ng pagtatakbuhan kasama ang mga kalaro, mag-taguan hanggang gabi. Minsan pa nga ay hindi na natutulog sa tanghali dahil mas pinipili na lang na lumabas. Masarap sa pakiramdam ang mangarap at matutupad ito sa takdang panahon. Dito makikita ang pagiging musmos; isang patunay na marami pa tayong hindi alam sa mundo.

Subalit, paano kung maaga ring kumatok ang realidad? Matutupad pa nga ba ang mga simpleng bagay na pinapangarap?

Ayon sa post ng netizen na si Crystal Allen, isang bata ang nakatira sa liblib na lugar ng Ilocos Sur ang nangangarap na makakain sa kilalang fast food chain na Jollibee, ngunit ni kahit isang beses ay hindi pa siya nakakapunta o nakakakain dito.


Pinuntahan siya ng tropa ng Badoc Patrolbase, 101st Maneuver Company RMFB1, Police Regional Office 1. Takot daw ang bata sa mga pulis. Subalit nang malaman nila ang kahilingan ng bata, agad na umaksyon ang mga kapulisan.

Binalikan nila ang bata upang ipasyal, ipamili ng gamit, at higit sa lahat ay upang matupad ang pangarap niya na makakain sa Jollibee.

Makikita sa mga i-n-upload na mga larawan ang naging paghahanda nila sa kanilang pamamasyal. Ang ama ng bata ay kasama rin nila. Isa pa nga sa mga pulis ang nagsuot ng medyas sa bata. Naglakad sila sa hindi sementadong daan habang karga ang bata.


Makikita rin sa mga larawan ang pagkain nila ng salu-salo sa Jollibee. Namili rin sila ng mga gamit para sa bata at namasyal pa sila sa Baluarte.

Sa kanilang pag-uwi ay marami silang bitbit. Makikita rin ang isang larawan na kung saan abot-tenga ang ngiti ng bata, kasama ng kanyang magulang at ang mga pulis na nakasama niya.

Ilang netizens rin ang humanga sa ginawang pagtulong ng kapulisan.
“Saludo po ako sa inyo mga sir.”
“God bless sa inyo sir.”

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Batang nakatira sa liblib na lugar at takot sa mga Pulis, natuwa sa first Chicken Joy niya.
Batang nakatira sa liblib na lugar at takot sa mga Pulis, natuwa sa first Chicken Joy niya.
isang bata ang nakatira sa liblib na lugar ng Ilocos Sur ang nangangarap na makakain sa kilalang fast food chain na Jollibee, ngunit ni kahit isang beses ay hindi pa siya nakakapunta o nakakakain dito.
https://1.bp.blogspot.com/-MBXOwlQWOcg/XpTBhcmxdRI/AAAAAAAACqI/Z7GbE1fJ4Ao1s9Qycoz2mHbaB6Mcvy2LQCNcBGAsYHQ/s1600/Untitled%2Bdesign%2B%252852%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-MBXOwlQWOcg/XpTBhcmxdRI/AAAAAAAACqI/Z7GbE1fJ4Ao1s9Qycoz2mHbaB6Mcvy2LQCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252852%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/04/batang-nakatira-sa-liblib-na-lugar-at.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/04/batang-nakatira-sa-liblib-na-lugar-at.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy