Dahil walang pagkain galing sa mga Turista, mga Unggoy sa Thailand ni-RAID and ibang kabahayan! [VIDEO]

Sa Thailand at sa iba pang bansang sikat ang animal tourism, kinakaharap ngayon ng mga lokal ang malaking problema matapos mawalan ng mga turistang magpapakain sana sa mga hayop.

Source: Source: The Guardian / Youtube
Ang mga tao ay nakapagdudulot ng malaking epekto sa mundo. Subalit, ang nakalulungkot, hindi lahat ng epektong ito ay mabuti. Sa katunayan, nakapagdulot ang mga tao ng mga negatibong bagay na tila napansin ngayon sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng tao, makikita at mapapansin na tila nakapagpapahinga ang mundo mula sa mga negatibong epekto ng mga gawain ng mga tao. Sa bansang China, sinasabing ang polusyon sa hangin ay “dramatically” na bumaba.

Ipinapakita rin ng mga NASA satellite images ang “notable decline” ng mga air pollution levels na marahil ay dulot ng imposed restrictions sa transportasyon at business activities, at dahil din sa pagkakaroon ng quarantine ng milyon-milyong katao sa China. Marami ring mga kalsada ng iba’t ibang bansa ang naging “empty,” na nagdulot din ng pagbaba ng noise at air pollution sa buong mundo.

Ngunit, nakakalungkot na hindi lamang polusyon ang idinulot ng mga tao sa mundo. Sa Thailand at sa iba pang bansang sikat ang animal tourism, kinakaharap ngayon ng mga lokal ang malaking problema matapos mawalan ng mga turistang magpapakain sana sa mga hayop.





Halimbawa, sa mga sikat na atraksyon sa Thailand, daan-daang mga unggoy ang dumedepende sa mga turista para sa kanilang pagkain. Nagaganap ito sa matagal nang panahon at dahil dito ay tila hindi na alam ng mga nasabing hayop kung paano maghanap ng kani-kanilang pagkain sa kagubatan. Para raw sa kanila, mas madali raw humanap ng pagkain sa mga lugar na mayroong mga tao dahil mayroon daw silang kasiguraduhang makakukuha ng pagkain nang walang kahirap-hirap.

Subalit, dahil nga naapektuhan ng COVID-19 ang travel industry, ang kawalan ng mga turista ay nangangahulugan ding walang mga taong magpapakain sa mga unggoy na ito. Dahil nga sa matinding gutom at hindi makahanap ng pagkain sa kagubatan, nagtungo at tila nang-“raid” ang mga unggoy na ito sa ilang kabahayan at pamilihan!



Sa isang 40-second video na sh-in-are ng “The Guardian” sa kanilang YouTube channel, makikita ang daan-daang mga unggoy sa kalsada. Tila “sinakop” na nila ang mga daanan; naglalakbay at nagpupunta na rin sila sa mga kabahayan upang maghanap ng makakain – at walang nagawa ang mga tao kundi panoorin lamang ang mga ito.

Ang nakalulungkot daw, kung magpapatuloy ng pagkakaroon ng “food shortage,” maaaring magdulot daw ito ng mas matitinding suliranin. Ang maaari lang daw nating gawin sa ngayon ay ang humiling na sana’y hindi ito makaaapekto sa mga tao, dahil baka raw dumating ang panahon na isang bagong anyo na naman ng virus ang kakalat sa mundo.




COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Dahil walang pagkain galing sa mga Turista, mga Unggoy sa Thailand ni-RAID and ibang kabahayan! [VIDEO]
Dahil walang pagkain galing sa mga Turista, mga Unggoy sa Thailand ni-RAID and ibang kabahayan! [VIDEO]
Sa Thailand at sa iba pang bansang sikat ang animal tourism, kinakaharap ngayon ng mga lokal ang malaking problema matapos mawalan ng mga turistang magpapakain sana sa mga hayop.
https://1.bp.blogspot.com/-8oxmD6ffZeU/XoS3_m8YO2I/AAAAAAAACPU/ONX4hhmy3v8lSnUAeyX9BN6OMNpPLmEdQCNcBGAsYHQ/s1600/Untitled%2Bdesign%2B%252835%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-8oxmD6ffZeU/XoS3_m8YO2I/AAAAAAAACPU/ONX4hhmy3v8lSnUAeyX9BN6OMNpPLmEdQCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252835%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/04/dahil-walang-pagkain-galing-sa-mga.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/04/dahil-walang-pagkain-galing-sa-mga.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy