Dating caretaker ng bahay na nangungupahan na ngayon, Pinalayas sa gitna ng Lockdown dahil walang pambayad ng renta.

Mga walang awa. Kawawa naman po sila, pinalayas sa inuupahan nila dahil hindi nakabayad. Alam naman nila na lockdown – walang trabaho ang karamihan.

Photo by Nicole Ronquillo


Dahil nga sa ipinapatupad na total lockdown sa buong Luzon, iniutos na magkaroon ng enhanced community quarantine sa bawat bayang nakapaloob dito. Sa pamamagitan daw nito ay maiiwasan ang pagkalat ng virus na nagreresulta sa COVID-19 sapagkat mananatili ang mga mamamayan sa kani-kanilang bahay. Subalit paano kung wala kang matitirhan sa gitna ng krisis na ito?

Ito ang napamalita sa isang lugar sa Rizal. Sa isang shared post ng isang Facebook (FB) user na si Jhen Gamboa Ajero sa isang FB group na may pangalang “Malayang Kasiglahan, Sub-Urban, Southville (Montalban, Rizal),” ibinahagi niya ang FB post ng may username na Nicole Ronquillo tungkol sa mag-iinang pinalayas umano sa kanilang inuupahang bahay dahil daw hindi sila nakabayad ng kanilang upa.

Makikita sa mga larawang ipinost ang isang inang may bitbit na mga damit, kasama ang kaniyang dalawang lalaking anak – kung saan ang isa ay maliit at tila musmos pa lamang. Magkakasama ang tatlong ito sa gitna ng kalsada habang dinadala ang iba pa nilang kagamitan tulad ng unan, kumot, mga gamit panluto, at iba pa.


Photo by Nicole Ronquillo


Photo by Nicole Ronquillo

Kalakip ng mga larawan ang caption ni Ronquillo, “Mga walang awa. Kawawa naman po sila, pinalayas sa inuupahan nila dahil hindi nakabayad. Alam naman nila na lockdown – walang trabaho ang karamihan.”

Salaysay pa nito, malaki raw ang naitutulong ng pamilyang ito sa may-ari ng kanilang paupahan lalo na noong nasa abroad pa lamang daw ito – naging care taker daw ang ina at nag-aalaga at naglilinis daw ito ng dumi ng alaga nitong aso. Subalit, ngayong wala na raw silang kailangan sa pamilya ay ganoon na lamang daw ang gagawin sa kanila.

“Walang trabaho ang asawa niya ngayon dahil sa kumakalat na virus… Nasaan ang konsensya mo EVELYN – siya ang may-ari ng bahay. Apat na bahay pinapaupahan niya sa Southville… samantalang hindi siya botante dito, walang pakinabang sa San Isidro,” pahayag pa ni Ronquillo.

Sa caption naman ni Ajero, tinawag niya ang pansin ng mga landlords at landlady at sinabing bawal na bawal daw ang paniningil ng upa ngayong mayroong enhanced community quarantine, dahil puwede raw silang kasuhan ng criminal case.

Sabi pa ni Ajero, “Kung yung Meralco nga, Manila water, PLDT may 30 days extension. Konsiderasyon naman sa kapwa niyo.”

Umani naman ng reaksiyon mula sa netizens ang nasabing post.

Sabi ng isang netizen, “Grabe, bakit naman gano’n. Nasa crisis tayo ngayon, bakit naman pinalayas sila. Tao ba ‘yong may-ari ng bahay? Kasi wala siyang puso eh, sumasabay siya kay COVID.”

Ani naman ng isa, kawawa naman daw sila lalo na’t may kasama raw na bata. Dagdag pa ng isa pang nagkomento, kaya kung ano-ano na raw ang nangyayari sa mundo dahil sa mga gahaman na tao.

“Puwede po kayo dumulog sa opisina ni Mayor… Tuloy po muna kayo sa court ng barangay para mapansin kayo ng mga taga-barangay, makarating kay Kapitan…,” suhestiyon naman ng ilan.

Nawa’y sa gitna ng kinakaharap na krisis ngayon ng Pilipinas, mamayani sana ang pagkakawanggawa at pagtulong sa mga kababayan nating lubos na nangangailangan.

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Dating caretaker ng bahay na nangungupahan na ngayon, Pinalayas sa gitna ng Lockdown dahil walang pambayad ng renta.
Dating caretaker ng bahay na nangungupahan na ngayon, Pinalayas sa gitna ng Lockdown dahil walang pambayad ng renta.
Mga walang awa. Kawawa naman po sila, pinalayas sa inuupahan nila dahil hindi nakabayad. Alam naman nila na lockdown – walang trabaho ang karamihan.
https://1.bp.blogspot.com/-2N9JOGC4_yY/XoXnRzQShNI/AAAAAAAACRw/P2yTonKvFg01QX2RtamGVxWVTeVeQWfuACNcBGAsYHQ/s1600/Dating%2Bcare%2Btaker%252C%2Bnangungupahan%2Bn%2Bangayon.%2BPinalayas%2Bdahil%2Bhindi%2Bmakabayad%2Bng%2BRenta.png
https://1.bp.blogspot.com/-2N9JOGC4_yY/XoXnRzQShNI/AAAAAAAACRw/P2yTonKvFg01QX2RtamGVxWVTeVeQWfuACNcBGAsYHQ/s72-c/Dating%2Bcare%2Btaker%252C%2Bnangungupahan%2Bn%2Bangayon.%2BPinalayas%2Bdahil%2Bhindi%2Bmakabayad%2Bng%2BRenta.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/04/dating-caretaker-ng-bahay-na.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/04/dating-caretaker-ng-bahay-na.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy