DOH, Nilinaw ang pagtatanggal ng Misting Tents na Dinonate ni Angel Locsin

DOH, Nilinaw ang pagtatanggal ng Misting Tents na Dinonate ni Angel Locsin


Mga larawan ay mula sa Angel Locsin/Facebook
            
Isa si Angel Locsin sa mga tumutulong ngayon sa kinahaharap ng krisis ng bansa. Nagbibigay siya ng tulong-pinansiyal at mga PPEs. At kamakailan lang ay marami ang nag-react sa pagtatanggal ng misting tents na idinonate ng aktres sa Philippine General Hospital.
            
Larawan ay mula sa Angel Locsin/Facebook

Nagbigay naman agad ng statement ang pamunuan ng Department of Health (DOH) tungkol dito.
            
Pinabulaanan ng DOH na ipinagbawal nila ang paggamit ng misting tents na dinonate ni Locsin at sinabing tinanggal ito sa Philippine General Hospital dahil may safety risk ito sa kalusugan ng tao.
            

Mga larawan ay mula sa Angel Locsin/Facebook

Sa isang statement na i-n-issue ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sinabi niya na ang mga misting tents na dinonate ng aktres ay tinanggal ng administrasyon ng ospital dahil sa direktiba ng DOH na ipagbawal ang misting spray sa general public.
            “Nakapanayam po namin si Miss Angel Locsin, at gusto lang po naming ipabatid sa ating mga kababayan na napag-utos na po ng pamunuan ng Philippine General Hospital na tanggalin na po ang misting tents mula noong narinig po nila ang anunsyo ng Department of Health.”
            
Ayon kasi sa DOH, hindi epektibo ang misting sa paglaban sa coronavirus at nakasasama pa ito sa kalusugan ng tao. Sinabi rin ng DOH na nakatanggap ng reports ang kanilang tanggapan na mayroong ilang indibidwal ang nagkaroon ng skin asthma o dermatitis dahil dito.
            
Ngunit, nilinaw naman ni Dr. Vergeire na hindi naman ipinagbabawal ang spraying tent sa loob ng ospital kung saan dumadaan ang mga health workers na suot ang kanilang personal protective equipment (PPE). Sinabi niya rin na kahit tinanggal na ang misting tents na dinonate ni Locsin sa labas ng ospital, operational pa rin ang sinet-up ng aktres para sa mga health workers ng PGH.
            
“Gusto rin po nating linawin na itong mga misting tents sa PGH ay ibinigay po through a donation ni Miss Angel Locsin, at siya po ay sumusunod sa mga pamantayan at protocol ng Department of Health kapag dating sa mga dino-donate niyang produkto, o mga equipment or supplies. Dahil diyan po, nagpapasalamat po kami sa lahat po ng mga nagbibigay at nagdo-donate. Miss Angel Locsin, thank you very much po. Mabuhay po kayo.”
            
Matatandaang nakapagbigay na ng mga specialized tents at medical supplies si Locsin sa 150 hospitals, sa tulong na rin ng kanyang mga kaibigan at sponsors





source: ABS-CBN

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: DOH, Nilinaw ang pagtatanggal ng Misting Tents na Dinonate ni Angel Locsin
DOH, Nilinaw ang pagtatanggal ng Misting Tents na Dinonate ni Angel Locsin
DOH, Nilinaw ang pagtatanggal ng Misting Tents na Dinonate ni Angel Locsin
https://1.bp.blogspot.com/-_RQozN3Mt18/XptBKuG2hSI/AAAAAAAAC6M/JyMDdP9Ch80M-rSHKE4DfcSzqwHAe-13ACNcBGAsYHQ/s1600/Untitled%2Bdesign%2B%252813%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-_RQozN3Mt18/XptBKuG2hSI/AAAAAAAAC6M/JyMDdP9Ch80M-rSHKE4DfcSzqwHAe-13ACNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252813%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/04/doh-nilinaw-ang-pagtatanggal-ng-misting.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/04/doh-nilinaw-ang-pagtatanggal-ng-misting.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy