Francis Leo Marcos, Sumagot Na Sa Hamon Ni Madeth Alejandrino na doblehin lahat ng kanyang donation..

“Ano ba ‘yan. Kagigising ko lang. Gano’n talaga: may magandang balita, may panget na balita.” Madaling araw raw nang i-forward kay Marcos ang naturang video at sinabi niyang na-stress daw siya nang matanggap ito. At sa sobrang stress ay nabuwiset daw siya.

Source: DupSTAR Media

Sa isang video na i-p-in-ost sa YouTube ng “DupSTARMedia,” makikita si Francis Leo Marcos na nagsasalita habang ipinapakita ang cell phone niyang naglalaman ng Facebook video na i-f-in-orward daw sa kaniya – kung saan ay may babaeng nagsasalita tungkol sa kaniya.

“Ano ba ‘yan. Kagigising ko lang. Gano’n talaga: may magandang balita, may panget na balita.”
Madaling araw raw nang i-forward kay Marcos ang naturang video at sinabi niyang na-stress daw siya nang matanggap ito. At sa sobrang stress ay nabuwiset daw siya.

Hindi niya raw kilala ang babaeng nasa video subalit dahil siya raw ang kaniyang binira, ipinakita niya ang nasabing post sa YouTube video ng “DupSTARMedia.”

“Ah ‘yon nga po. China-challenge ko ‘yong Marcos. Huwag kang dada – dakdak nang dakdak! Dahil natatamaan, na-aano mo ang mga walang ginagawa. Gumagawa ang mga tao, lahat ng mga sambayanan, lahat ng nanunungkulan. Gumagawa silang mabuti. Kung gusto mo, sige, challenge kita. Kung magkano ang kaya mo, tatapatan kita. Dodoblehin ko rin ang i-aano mo.Grabe ka kung magsalita ka! ‘Yong mga tao namang hindi nakakaintindi, napapa-ano mo, napapatangay mo. Magdasal ka na lang at baka mamaya, ‘yang bunganga mo na ang tamaan ng COVID-19. Hindi po tayo nagyayabang sa panahong ito!...”

Wala raw balak na patulan ni Marcos ang nasabing babae subalit dahil nga raw siya ay napapagod na, “for once in his life” ay papatulan niya na rin daw ito.
Nang matapos ang video na ipinakita niya, tumawa si Marcos saka sinabing, “Nakita ho ninyo kung gaano kabalahura ang bunganga nito?”

Inulit niya ang sinabi sa video na ang lahat daw ng gagastusin niya ay dodoblehin ng nasabing babae. At dahil daw nakapagbigay na siya ng 220 toneladang bigas at hinamon pa ng babae, sinabihan niya ang mga taong lumapit lang daw rito kung kakilala nila ang babae sapagkat dodoblehin nga raw niya ang ibibigay ni Marcos.

“Humingi kayo ng tag-10 kaban, o kaya ay bente. Dapat dalawang libong tao po ‘yong hihingi sa bahay niya, tigbebente kaban. Maliwanag po ‘yong sinabi niya – dodoblehin daw niya ‘yong aking gastos. Tingnan ho ninyo kung gaano kabastos ang bunganga nito.”
Dagdag pa ni Marcos, “Ewan ko ho kung ‘yong babaeng ito eh epal. Pero wala pong substantial na lumalabas sa bibig nito.”

Sa sumunod na bahagi ng naturang YouTube video, maririnig at mapapanood na may kinakausap na mga staffs si Marcos at ipinapahanda ang mga resibo ng mga bagay na nabili at nagastos na nila, na naipamigay nila sa iba’t ibang lugar. Ipahahanap niya raw ang babaeng ito saka ipapadala ang mga resibo. Kapag hindi raw niya ito natapatan, ibig sabihin ay “sarsuwela lamang ng bunganga nito.”
“Eto ‘yong gusto ko, ‘yong mayabang. Aba eh dapat gawin niya.”

Bumuntong hininga si Marcos, saka nagtanong: “Nag-aral ba ‘to?” Tumawa siya at sinabing balahura raw ang bunganga ng babaeng nasa video. “Gusto ko ‘yon. Basta tuparin niya ‘yong sinabi niya.”
Nang tinanong niya sa kaniyang mga staffs kung taga-saan ang babaeng iyon, “Arayat (Pampanga) daw po.”
Tila nagpa-shout out pa si Marcos nang tinawag niya ang mga tauhan niya sa Arayat, maging ang Sala family. Huwag na raw silang pumunta sa kaniya; ang kaniyang itutulong sa nasabing bayan ay hindi na raw niya itutuloy at humingi na lamang daw sila sa babaeng nasa video dahil dodoblehin naman daw niya ang lahat ng ibibigay na tulong.

“Hindi raw siya nagyayabang so ‘yong sinasabi niya, totoo,” ani pa ni Marcos.

“Kapag hindi mo tinupad ‘yong sinabi mong dodoblehin mo ‘yong ginagawa ko, yari ka ngayon.”
Kinausap niyang muli ang kaniyang mga staffs sa sumunod na bahagi ng video. Bale 225 na toneladang bigas ang nakalkula nilang ipamimigay sa iba’t ibang lugar, at sinabing 450 na tonelada naman ang dapat na maipamigay ng nasabing babae.

“’Pag ‘di mo tinupad ‘yong sinabi mo, naku! Yari ka sa taong bayan ngayon!”
Dagdag pa ni Marcos, mabuti na lamang daw at may mga good Samaritan pa rin ngayon kahit na balahura raw ang bunganga.

“Kahit na basura na po ‘yong lumalabas sa bibig ninyo, ako pa rin ho ay nagpupugay sa inyo. Saludo ako, dalawang kamay,” sabay pakita ng kaniyang dalawang kamay na nakasaludo sa harap ng kamera.

“Ma’am saludo po ako sa inyo kahit na bastos po ang lumalabas sa bunganga ninyo. Basta po, ang importante, tuparin po ninyo ang sinabi niyo. Tuparin ninyo, kasi magiging kahiya-hiya ‘yong buong pamilya ninyo kapag hindi niyo tinupad ‘yan. Ako ho, ‘pag nagsalita ako – tinutupad ko… Higit kayong kailangan ng republika ngayon.”

Pati raw mga PPEs ay dapat na doblehin ng nasabing babae sa video.
Hanggang sa napag-alamang si Madeth Alejandrino ang nasabing babae sa video.



Source: DupSTAR Media

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Francis Leo Marcos, Sumagot Na Sa Hamon Ni Madeth Alejandrino na doblehin lahat ng kanyang donation..
Francis Leo Marcos, Sumagot Na Sa Hamon Ni Madeth Alejandrino na doblehin lahat ng kanyang donation..
“Ano ba ‘yan. Kagigising ko lang. Gano’n talaga: may magandang balita, may panget na balita.” Madaling araw raw nang i-forward kay Marcos ang naturang video at sinabi niyang na-stress daw siya nang matanggap ito. At sa sobrang stress ay nabuwiset daw siya.
https://1.bp.blogspot.com/--6kaUHnTOrU/XpbLJAGBPII/AAAAAAAACt8/MAE9ggFSppQ6tlVIPvnxum_aVi4UFmThQCNcBGAsYHQ/s1600/Untitled%2Bdesign%2B%252855%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/--6kaUHnTOrU/XpbLJAGBPII/AAAAAAAACt8/MAE9ggFSppQ6tlVIPvnxum_aVi4UFmThQCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252855%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/04/francis-leo-marcos-sumagot-na-sa-hamon.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/04/francis-leo-marcos-sumagot-na-sa-hamon.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy