"wawa naman etong pusang to .. Napilitan kumaen ng ppaya siguro wala na syang makaen kaya yan nalang kinaen nia"
![]() |
Photo by Ang Buhay Magsasaka Pag May Tyaga Ay May Biyaya |
Dahil sa mga litratong post ng Ang Buhay Magsasaka Pag May Tyaga Ay May Biyaya, namangha ang mga netizen sa kakaibang panlasa ng pusa. Mula mismo sa puno ng Papaya, makikitang kinakain niya ang isang bunga nito at medyo nakarami na rin siya. Kita rin sa mukha ng pusa na tila gulat ito ng kuhanan ng litrato.
Matapos makunan ng litrato ang pusa, tumigil ito at dahang dahang umalis. Suspetsa ng ibang netizens, baka raw wala nang mapakain sa alagang pusa kaha ito na mismo ang naghanap ng kanyang makakain.
Ang biro pa ng mga netizens, baka raw nag sawa na sa ulam ng sardinas si mingming kaya naman nag explore na ito ng ibang pagkain.
Sabi rin ni Scarlette,
"Kawawa nman naghahanap buhay cya para makakain ng papaya kaya mahalin natin sila at huwag pagdamutan kc ginawa sila ng dios para makasama natin sila dito s mundo kc may mission din sila n ginagawa dito pero ung ibang tao malupit s hayup"
Ganito rin ang sinabi ni Acapulco,
"wawa naman etong pusang to .. Napilitan kumaen ng ppaya siguro wala na syang makaen kaya yan nalang kinaen nia"
Huwag rin sana nating pabayaan ang ating mga alagang hayop dahil tulad natin nakakaramdam din sila ng gutom. Sana ay alagaan natin silang mabuti dahil hindi nila kayang mabuhay ng mag isa lalo na ngayong may pandemic.
Source: Ang Buhay Magsasaka Pag May Tyaga Ay May Biyaya
Source: Ang Buhay Magsasaka Pag May Tyaga Ay May Biyaya
COMMENTS