Mga Larawan mula sa Facebook video ni Kenneth Caballe Rivera T rending ngayon sa social media ang ginawang palaro ng mga pasaway na...
Mga Larawan mula sa Facebook video ni Kenneth Caballe Rivera
Mga Larawan mula sa Facebook video ni Kenneth Caballe Rivera
Sa
in-upload na video ng Facebook page na
Balitang SJDM na orihinal na kuha ni Kenneth Caballe Rivera, makikita ang mga
lalaking nag-uunahan sa pagtakbo. Tila hindi alintana sa kani-kanilang mukha
ang nangyayaring ECQ sa panahon ngayon dahil masasaya silang nanonood ng mga
isinagawa nilang mga ‘parlor games’.
Ang
nasabing video ay agad na nag-viral sa social media at mayroon ng mahigit 90,000 views. Mayroon na rin itong halos dalawang libong reactions na karamihan ay ‘angry’, 1,100 comments at 2000 shares.
Maraming
netizens ang nagpaabot ng kanilang
pagkadismaya at pagkainis sa mga naturang residente. Mayroon ding nagta-tag ng mga kilalang media organizations upang maiparating ito sa publiko. May mga social media users din ang nag-ulat sa
mga kinauukulan tungkol sa nasabing pangyayari.
Hiniling
naman ng ilang mga residente rin ng Pabahay 2000 na tutukan raw sana ng lokal
na pamahalaan ang nasabing lugar para sa kaligtasan ng mga residente. Panawagan
naman nila sa kanilang mga kababayan na sumunod na lamang sa mga ipinapatupad
ng kanilang mga lider.
Nanawagan
ang mga frontliners at awtoridad na
manatili na lamang sa mga bahay kung wala namang mahalagang gagawin o bibilhin
sa labas. Hiniling din nilang dapat seryosohin ang umiiral na enhanced community quarantine.
Ayon
sa inilabas na ulat ni Mayor Arthur Robes, anim na ang kumpirmadong kaso ng
COVID-19 sa lungsod ng San Jose Del Monte. Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng disinfecting ng lokal na pamahalaan
upang hindi na madagdagan pa ang kaso ng nasabing lungsod.
Ayos
lang namang gumawa ng paraan para makalimutan pansamantala ang mga problema,
gaya na lamang ng krisis na kinahaharap ngayon ng buong sambayanan. Ngunit, mas
mahalagang makinig at sumunod na lang sa mga sinasabi ng awtoridad upang maiwasan
ang disgrasya. Mas sasaya ang buhay kung walang iniindang kahit na anumanng
karamdaman.
source: news.definitelyfilipino
COMMENTS