Ilang taga Sitio San Roque, Quezon City na hindi umano tinutulungan ng Gobyerno, Pinagdadampot matapos magbarikada

Dinampot ng mga tauha ng Quezon City Police District (QCPD) ang ilang residente ng Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City matapos nilang magbarikada sa may Quezon Avenue.

Mga Larawan mula sa video ng GMA News

Dinampot ng mga tauha ng Quezon City Police District (QCPD) ang ilang residente ng Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City matapos nilang magbarikada sa may Quezon Avenue.

Mga Larawan mula sa video ng GMA News

Ayon sa mga residente, wala silang nakukuhang tulong mula sa barangay, sa local government ng Quezon City, at sa national government kaya napilitan na silang magbarikada.


 Mga Larawan mula sa video ng GMA News


Nagkaroon pa ng insidente ng batuhan kaya napilitan na ang mga tauhan ng QCPD na buwagin ang barikada at pagdadamputin ang ilang mga residente. Nalalabag din umano ang social distancing dahil sab anta ng COVID-19.

Dumating na rin ang truck ng bumbero upang tumulong na buwagin ang barikada. May binabantayan naman ang SWAT Team na isang eskinita dahil dito nagtakbuhan ang iba pang mga residente.

Sa hiwalay na ulat, itinuro ni Action Officer ng Task Force Disiplina ng Quezon City na si Rannie Ludovica, ang Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) umano ang nasa likod ng panghihikayat sa mga residente ng Sitio San Roque na hindi nakatatanggap ng relief goods na sila’y magbarikada.

Dagdag pa ni Ludovica, ipinagkalat umano ng Kadamay na may mga mamimigay ng tulong sa EDSA kaya sumama ang mga residente.

May ilang residente rin ang nagsabing miyembro sila ng Kadamay at sila ay napilitang pumunta sa gilid ng EDSA upang maghintay ng tulong na relief goods na manggagaling sa barangay at Quezon City.

Tiniyak naman ni Ludovica na makatatanggap ng tulong ang mga taga-Sitio San Roque dahil ginagawan na ito ng paraan ng pamahalaang lungsod ng Quezon. Hindi lang umano sa Sitio San Roque ang may ganitong problema; maging sa ibang lugar ay tiniyak din ni Ludovica na ang lahat ng mga nasa Quezon City ay makatatanggap ng relief goods.

Makikiusap din si Ludovica sa mga opisyal ng QCPD na pakawalan at huwag nang kasuhan ang residenteng pinagdadampot.

Sa kabilang banda, kinondena ng Bagyong Alyansang Makabayan (Bayan) ang pag-aresto sa mga residente ng nasabing sitio.

Sabi ni Bayan Secretary General Renato Reyes, “Bakit kailangan arestuhin ang mga nagugutom at humihingi ng pagkain? Masasagot ba ng pandarahas ang kalam ng sikmura nila? Sila ba ay hahayaan na lang nating tahimik na mamatay sa gutom?”

Ayon pa kay Reyes, ang ginawang protesta ng mga residente ay ‘spontaneous’ at hindi planado.
Hindi raw sangkot ang Kadamay.







source: GMA News / Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Ilang taga Sitio San Roque, Quezon City na hindi umano tinutulungan ng Gobyerno, Pinagdadampot matapos magbarikada
Ilang taga Sitio San Roque, Quezon City na hindi umano tinutulungan ng Gobyerno, Pinagdadampot matapos magbarikada
Dinampot ng mga tauha ng Quezon City Police District (QCPD) ang ilang residente ng Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City matapos nilang magbarikada sa may Quezon Avenue.
https://1.bp.blogspot.com/-aVUKakd1XHU/XofCt0NbQuI/AAAAAAAACUk/Q4OzoNiOG70MNPQlBQjkj31Xq5fetP38wCNcBGAsYHQ/s320/Untitled%2Bdesign%2B%252839%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-aVUKakd1XHU/XofCt0NbQuI/AAAAAAAACUk/Q4OzoNiOG70MNPQlBQjkj31Xq5fetP38wCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252839%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/04/ilang-taga-sitio-san-roque-quezon-city.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/04/ilang-taga-sitio-san-roque-quezon-city.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy