Isang babae, Gumawa ng Eksena sa kasal ng kaniyang Ex-boyfriend
Mga larawan ay mula sa video uploaded by The AIO Entertainment
Subalit, hindi lahat ng wedding ceremonies ay masasabing “perfect” at hindi “memorable” gaya ng inaasahan, dahil minsan, ika nga nila – “it could be worst.”
Larawan ay mula sa video uploaded by The AIO Entertainment
Gaya na lamang ng isang viral video tungkol sa isang babaeng hindi pa napapangalanan matapos siyang gumawa ng eksena sa kasal mismo ng kaniyang ex-boyfriend sa kaniyang “newfound love.” Nakasuot din kasi ng bridal gown ang nasabing babae! Naganap daw ito sa isang lugar sa China.
Larawan ay mula sa video uploaded by The AIO Entertainment
Gumawa ng eksena ang nasabing babae sa naturang “intimate wedding” nang bigla siyang lumuhod sa harapan ng groom at sa lahat ng mga bisita sa wedding venue. Hindi naman nasiyahan at hindi pa naging kumportable ang bride dahil sa nangyari sa kaniyang inaasahan sanang “perfect wedding.”
Larawan ay mula sa video uploaded by The AIO Entertainment
Ayon sa ilang mga ulat, nagmamakaawa raw ang babaeng nag-“crash” sa wedding sa naturang groom habang hinihila ang kaniyang wedding suit – nais daw ng babae na tanggapin sana siyang muli ng lalaki. Isinisigaw rin ng babae na kasalanan niya raw lahat ang nangyari sa kanila. Sa kabilang banda naman, hindi rin daw alam ng “master of ceremony” ang gagawin sa nangyari; sinabi pa niyang marahil ay ito raw ang “reality of love.”
Naging “upset” naman ang bride at nagdesisyon na lamang na mag-“walk out” sa entablado; subalit nang makita siya ng kaniyang groom na papaalis ay agad siyang sinundan nito.
Larawan ay mula sa video uploaded by The AIO Entertainment
Nag-viral ang video sa iba’t ibang social media platforms na umani rin ng napakaraming views at comments mula sa publiko.
Totoo nga namang hindi natin hawak ang mga posibleng mangyari sa bawat pagdaan ng oras. Maaari tayong magplano ng isang napakagandang kasal ngunit hindi natin alam kung magtatagumpay ang kalalabasan nito o hindi.
COMMENTS