Isang Facebook Video, Viral dahil ginawang biro ang pagiging "Disabled Person" Maskro Tv

Isang Facebook Video, Viral dahil ginawang biro ang pagiging "Disabled Person"

Mga larawan ay mula sa video

Natatangi ang lahat ng tao sa mundo. Buo man o may kapansanan – lahat ng ito ay dapat na ginagalang at nirerespeto. Anumang kakulangan ng isa ay dapat na bigyang galang pa rin sapagkat hindi biro ang kani-kanilang mga karanasan. Subalit, may mga tao pa ring tila ginagawang katatawanan ang mga nararanasan ng mga disabled person.
            
Tulad nga ng isang viral video na i-p-in-ost sa Facebook (FB) ng page na “Maskro TV.” Sa nasabing 15-second video, makikita ang isang lalaking nakaupo sa isang wheelchair at tila ini-imitate ang galaw ng isang “special” person. Itinutulak naman ng isang babae ang wheelchair.
            
Mga larawan ay mula sa video


Sa susunod na mga bahagi ng video, makikita ang isa pang babaeng tila nagvi-video rin ng ginagawa ng dalawa. Kung ipagpapatuloy pa rin ang nasabing post, may lalaking lalabas sa likod na may hawak ding cellphone at tila vini-video-han din ang nangyayari, at may isa pang babaeng napaupo pa dahil sa kakatawa. Sa buong video, maririnig ang mga tawanan na nagpapakitang tila nasisiyahan at “katuwaan” ang ginagawa nila.
            
Hindi ba nila alam ang isang batas na pumuprotekta sa karapatan ng persons with dsability (PWD)?
            
Ang Republic Act No. 7277 o mas kilala rin bilang Magna Carta for Disabled Persons, ay isang batas “providing for the rehabilitation, self-development and self-reliance of disabled persons and their integration into the mainstream of society and for other purposes.”
            





Mga larawan ay mula sa video


At dahil sa ginawa ng mga tao sa naturang video, tila nalabag nila ang batas, lalo na ang nakapaloob sa Section 39, na nagsasabing: “SEC39. Public Ridicule. – For purposes of this chapter, public ridicule shall be defined as an act of making fun or contemptuous imitating or making mockery of persons with disability whether in writing, or in words, or in action due to their impairment/s.”
            
Ang sinumang mapapag-alaman o mapapatunayang lumabag sa naturang batas ay pagbabayarin ng P50,000 hanggang P100,000, o kaya ay maaaring makulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon.
            
Umani naman ng negatibong reaksiyon mula sa mga netizens ang nasabing video.
            “’Di po nakakatuwa ‘yang ginagawa niyo. May anak din po ako na PWD kaya masakit sa kalooban ko ginawa ninyo. Ginawa niyong biro ‘yong may kapansanan. ‘Di po nakakatuwa. Sana mabigyan kayo ng leksiyon ng magtanda kayo. Hindi lahat ng bagay eh pwede ninyong gawing biro,” ani ng isang netizen.
            
Sabi naman ng isa, sana raw ay makarating ito sa kinauukulan at managot sila sa batas dahil hindi raw nakakatuwa – para raw mabigyan sila ng leksyon at wala nang gumaya pa.

Dagdag naman ng isa, “My son is special. Here they loved and respected them. All the rights and their privileges - they gave. While you guys are normal disrespecting the living angles of our heart. Not forgiven.”





source: Maskro Tv/ Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Isang Facebook Video, Viral dahil ginawang biro ang pagiging "Disabled Person" Maskro Tv
Isang Facebook Video, Viral dahil ginawang biro ang pagiging "Disabled Person" Maskro Tv
Isang Facebook Video, Viral dahil ginawang biro ang pagiging "Disabled Person"
https://1.bp.blogspot.com/-NwIcoeb_BEA/XpkBhhfUEKI/AAAAAAAAC1w/S_dhpB4d8zsGhZd7IAq00i7p51GJZLTcACNcBGAsYHQ/s1600/Galit%2Bna%2Bgalit%2Bpag%2Bwalang%2Bnatatanggap%2Bna%2BAYUDA.%2B%25281%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-NwIcoeb_BEA/XpkBhhfUEKI/AAAAAAAAC1w/S_dhpB4d8zsGhZd7IAq00i7p51GJZLTcACNcBGAsYHQ/s72-c/Galit%2Bna%2Bgalit%2Bpag%2Bwalang%2Bnatatanggap%2Bna%2BAYUDA.%2B%25281%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/04/isang-facebook-video-viral-dahil.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/04/isang-facebook-video-viral-dahil.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy